26/01/2026
UNANG ISKAN, BAYAD MAMAYA
Nag-aalok na kami ng espesyal na paraan ng pagbabayad para sa trans-abdominal ultrasound scan ng pelvis (mga organong pangkababaihan) at ultrasound scan ng mga suso.
Ang mga hakbang ay: mag-mensahe kayo sa amin sa whatsapp para ipaalam:
1. anong klaseng scan ang nais gawin - pelvis o suso,
2. DALAWA (2) petsa na inyong gusto (Lunes hanggang Sabado; umaga o hapon),
3. iyong buong pangalan, HKID number, petsa ng kapanganakan at whatsapp phone number.
4. Kami ang magse-set ng appointment para sa inyo at magpapadala ng lab form sa inyo sa whatsapp,
5. kayo ay pupunta sa lab para magpa-scan nang hindi muna nagbabayad,
6. ang lab ang magpapadala sa amin ng iyong lab report; kapag natanggap na namin ito, kami ang magsasabi sa inyo,
7. Kapag dumating kayo sa aming klinika, ibibigay namin sa inyo ang report, ipapaliwanag ng aming doktor ang resulta at saka kayo magbabayad sa amin.
Presyo ng serbisyo para sa trans-abdominal ultrasound scan ng pelvis: $ 1700 (para sa mga may OWWA e-card: $ 1500).
Presyo ng serbisyo para sa ultrasound scan ng mga suso: $ 1900 (para sa mga may OWWA e-card: $ 1700).
Maaari kayong magpa-scan sa alinman sa Mongkok, Tsim Sha Tsui o Central.
Para magpa-appointment, mag-mensahe lamang sa aming whatsapp sa 26180883.
O maaari mong pindutin ang Google link sa ibaba para makapag-skedula ng iyong ultrasound scans:
https://forms.gle/HpnUqkNJdy9X4mxA9