El Viejo Secret Files

El Viejo Secret Files Anything, everything under the sun, basta nasa Etivac! Marites, rise up!

11/08/2023

NAGBIGAY NG MOTIBO PERO MAY JOWA PALA

Hello po Admin! May kwento lang ako sa experience ko sa aking pagiging tanga sa pagmamahal, meron po kasi akong gustong gustong babae lagi kaming magkausap nagbibigay na ng motibo tapos nalaman ko may BF pala sya huhubels talaga Admin, tapos meron pang one time pinapunta nya ko sa kanila andon kasi mga kaibibgan nya di ko alam bakit nya pa ako pinapunta galing pa akonog manila nito ha tapos ako naman si tanga pumunta isang sabi lang punta agad tapos pag dating ko sa kanila mag uuwian na mga kaibigan nya so ako uwi na ren di ko alam nararamdaman ko habang pauwi ako pero kahit ganon lab ko paren sya :( yun lang Admin maraming salamat kelan lang nangyari to pero huhubels talaga atleast nalabas ko.

- Sawing Banana

10/08/2023

BIDA BIDANG MAY KABET

Sino itong ate ghurl na pabida sa trabaho na may kabet at take note sa office pa nagkikita. Dati na siyang may kabet pero nahuli siya ng asawa niya at umulit pa ulit. Ngayon nasa abroad ang kanyang asawa palihim na nagkikita sa trabaho at alam pa ng mga kaibigan ha! Si kuya boy naman ganun din dahil tinanggal na sa trabaho, gumagawa ng paraan para dun sila magkita. Kunwari may kailangan sa mga dati nyang mga katrabaho, at di niya alam chinichismis na din siya habang nakatalikod ang mga friends niya at madami ding rant pag dating sa kanya.

- Maldita Ghurl

09/08/2023

THESISMATE NA PANSIT LANG ANG AMBAG

Hi Admin! Shout out naman sa thesis mate namin na from Intro to Discussion, pansit lang ang ambag. Mula methodology hanggang data gathering, puro yabang lang. Kesyo siya na raw sa ganito and ganyan pero nung hinahanap na namin yung part niya, wala pa raw nagagawa dahil sa family problems.

Kasalanan ba namin taga Makati ang parents mo?

Anyway. Kaya nung thesis defense, nganga lang si Ate. Di ka makasagot sa question ni Sir eh pansit lang ang ginawa mo sa thesis.

Hayuf ka teh, sana ikahaba ng buhay mo 'yang papansit mo.

- CutieHR

May mga stories/confessions o chismis with facts ka ba dyan? Wag ka na mahiya at i-send mo na sa direct message namin ya...
09/08/2023

May mga stories/confessions o chismis with facts ka ba dyan? Wag ka na mahiya at i-send mo na sa direct message namin yan. Don’t worry your identity is hidden. Syempre ikaw na mag bigay ng code name mo, pag ako pa nag isip niyan “Chaka Ghourl” ilalagay ko dyan charezzzzz! O game na ba kayo sa Maritesan sa Etivac?


Adres

Philippine

Website

Meldingen

Wees de eerste die het weet en laat ons u een e-mail sturen wanneer El Viejo Secret Files nieuws en promoties plaatst. Uw e-mailadres wordt niet voor andere doeleinden gebruikt en u kunt zich op elk gewenst moment afmelden.

Delen

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram