Doktor Danny

Doktor Danny Practical and Simplified Health Tips for Your Convenience.

To our Dearest Patients; Before the year ends, we would like to take this opportunity to extend our gratitude to all of ...
30/12/2023

To our Dearest Patients;

Before the year ends, we would like to take this opportunity to extend our gratitude to all of you. It’s our privilege to be entrusted with the care of your well-being . Every day, we had that opportunity to make a difference in our/your lives. And during the course of our work, we build relationships with you guys and your families, a connections often extend far beyond the walls of our clinic/hospital.

As we reflect on the past year,
we would also like to send our regretful acknowledgment of our shortcomings and failures, alongside with our sincere and deepest appreciation to all of you who have put your love, patience and trust in us.

Happy New Year po sa ating lahat!
Godbless us all and Stay Healthy!

DocDanny and Terayski❤️

ANO ANG PROSTATE-SPECIFIC ANTIGEN (PSA)?Ito ay isang blood test at isang uri ng SCREENING test para sa prostate cancer. ...
01/10/2023

ANO ANG PROSTATE-SPECIFIC ANTIGEN (PSA)?

Ito ay isang blood test at isang uri ng SCREENING test para sa prostate cancer. Isa itong uri ng protina na maaaring magmula sa cancerous o non-cancerous cells sa prostate gland. Pinakamarami nito sa semilya o semen.

Kapag mataas ang PSA level sa dugo, maaaring maging senyales ito ng prostate cancer. Subalit paglaki ng prostate gland (BPH) na maaaring dulot ng advancing age at impeksyon o pamamaga ng prostate (prostatitis) ay maaari ring makataas sa level ng PSA.

22/09/2023
16/08/2023

Hi Guys been a while. My last post was pandemic time.😊 I was recently reactivated by my admin. Watch out for future health facts, tips and tricks!

23/11/2021

USAPING BOOSTER‼️

Ano po ba ang pagkakaiba at ibig sabihin ng HOMOLOGOUS at HETEROLOGOUS BOOSTER?

Napatunayan sa pag aaral na ang pagkakaroon ng booster dose after tayong makumpletong mabakunahan ng covid 19 vaccine ay mas napapaigting nito ang epekto ng ating resistensya o immune system laban sa virus ng Covid.

Kapag Homologous booster ibig sabihin ay kaparehas lang ng brand ng booster na ituturok sa atin dun sa naunang bakunang ibinigay sa atin o (primary series) Ex. Sinovac ang ibinakuna syo (2 doses) at Sinovac uli ang gusto natin as booster, yun po ang homologous.

Heterologous naman ay kapag ibang brand ang available at gusto natin na iinject satin as booster na tanggap at naaayon sa tamang rekomendasyon. Ex. Sinovac ang iyong primary series at Pfizer ang yung booster.

Sana nakatulong po sainyo.
Maraming Salamat.💗

15/11/2021

ANEMIA vs HYPOTENSION!

For the nth time!😊

HINDI PO ANEMIA ang tawag sa mababang BP. Kapag ang bp po natin ay 90/60mmHg or mas mababa pa, HYPOTENSION po ang tawag dun.

Anemia kapag kulang ng sapat na numero o antas ang dami ng ating healthy Red Blood Cells na nagbibigay ng maayos na oxygen sa ating katawan. Yun po ang ANEMIA.

Gets na?😉 Good!
Bye💗

(btw may iba po na normal na sa kanila ang 90/60, kadalasan ay sa mga female reproductive group. Yun lang. Ingat!)

SAKIT NG LIKOD KO!!🥵----------------------------------------------------Madalas na pagsakit, manhid, parang may tumutuso...
28/08/2021

SAKIT NG LIKOD KO!!🥵
----------------------------------------------------

Madalas na pagsakit, manhid, parang may tumutusok tusok sa ating likod (lower back), konektado sa likuran ng ating buttocks area derecho hanggang sa binti minsan abot pati paa? ..hmmm teka, baka SCIATICA!🤔

SAYA, TEKA?? Luh, ano daw? Ano yun?!

Ang sciatica ay isang uri ng kondisyon na kung saan ang ating sciatic nerve, na galing sa ating lumbar at sacral (sacrum) spine (specifically L3-S3, see image below) ay maaaring naiipit ng makipot na daanan ng spinal nerves o dahil sa herniated disc or bone spurs.

Ang ating mabigat na timbang (dahil ala ka ng ginawa ngayong pandemic kundi lumamon🥴), matagal na pag-upo ( dahil puro ka ML, minsan webinar, kadalasan ay dahil tulala lang dahil walang pera 😁), kakulangan ng exercise, pagtaas lalo ng ating mga blood sugar, edad atbp ay mga posibleng triggers sa pagkakaron ng sciatica.

Ang sciatica ay maaaring marelieve sa mga simpleng physical exercises, pag bawas ng ating timbang, physical therapy, tamang posture lalo na kung magbubuhat ng medyo mabigat (bend your knees), back rest o paglagay ng nakarolyong towel or pwede din unan sa ating likuran sa matagalang pag kakaupo dahil sa webinar, zoom meetings, lectures or driving.

Pero pag tuloy2 pa din ang pag sakit, aba
e di konsult your DOCTORS na po for better evaluation and treatment. Maraming iba pa pong rason ang pag sakit ng likuran natin isa lang po si Sciatica.
Sana nakatulong po sainyo.
Ok, Bye! 😉

Keep safe pa din tyo mga friends!
Godbless! 🙏

25/08/2021

PARA SA KAALAMAN NG MGA PASYENTE NA NAKAREKOBER SA COVID! ⚠️⬇️⚠️

Sa mga nakaranas o nagkaroon at nakarekober sa covid, mild, moderate or severe man po ito, NORMAL lang po na paminsan minsan ay makaramdam pa din po tayo ng mga sumusunod:

1. Mabilis na pagkapagod
2. Panghihina ng katawan
3. Pag sakit ng katawan o ulo
4. Mahinang panunaw, kabag, sakit sa tyan, minsan ay LBM pa.
5. Insomnia
6. Pagkabog ng dibdib
7. Mood changes (mainitin ang ulo)
8. Madalas na pagkahilo
9. Minsan nawawalan pa din ng pang amoy
at panlasa
10. Lagnat o feeling mo lang may lagnat ka.
11. Nababago ang cycle ng regla
12. Parang may tumutusok tusok sa mga kalamnan (pins and needles sensation)
13. Di pa makapagkoncentrate sa trabaho.

At madami pang iba..😔

Kaya haba ng pasensya lang po ng mga pamilya ng pasyente na nagkaron ng covid. Hindi po sila nag iinarte lang sainyo o pabebe, hehe may nararamdaman pa po talaga sila.😊

At sa sa mga nakarecover nman ng covid, tulungan din natin ang ating mga sarili,
mag exercise khit sa bahay lang, kumain ng masusustansya, bawasan ang stress at nerbyos and higit sa lahat, Enjoy layp! ok💪

I am praying for your complete recovery!
Godbless!❤️

!


Doktor Danny

 ➡️ Doc nag positive po ako sa Covid, kailan po ako pwedeng magpabakuna?➡️ Doc after po ng 1st dose ko ng vaccine, medyo...
01/08/2021



➡️ Doc nag positive po ako sa Covid, kailan po ako pwedeng magpabakuna?

➡️ Doc after po ng 1st dose ko ng vaccine, medyo minalas, gumala, nahawa at nag positive po ako. Kelan po ako dapat bakunahan ng 2nd dose?

Sagot: Wala naman pong specific recommended time interval from infection to vaccination, as long as fully recovered na po tayo, nagawa na natin ang recommended isolation/quarantine time at may SAPAT na supply ng bakuna, GO! Mag paBakuna na! 😊
(pag may alinlangan, consult your doctor)

😉
Source:Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases

Address

Kalibo

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Doktor Danny posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram