Abra de Ilog-Municipal Health Office

Abra de Ilog-Municipal Health Office Official page of Abra de Ilog Municipal Health Office, Occidental Mindoro

16/02/2026
15/02/2026

Isang paalala mula sa Toxicology Referral and Training Center⚠️

Kung hindi sigurado sa uri ng crab - lalo na kung reef crab - Huwag kainin.

Ang “devil crab/toxic reef crab” ay maaaring magdala ng lason na hindi nawawala sa pagluluto at maaaring magdulot ng pamamanhid, panghihina, at hirap sa paghinga na maaaring ikamatay.

Para sa agarang gabay, tumawag sa 24/7 poison hotlines at sa pinakamalapit na DOH Toxicology Specialty Center / Regional Poison Control Center.

East Avenue Medical Center – Toxicology Referral and Training Center (TRTC) – 24/7:
0923-271-1183; (02) 8928-0611 loc 707

UP–PGH National Poison Management and Control Center (NPMCC) – 24/7:
(02) 8524-1078; (02) 8554-8400 loc 2311; (02) 8526-0062; 0966-718-9904

𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐩𝐨, 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫! 🎉Mula po sa buong pamilya ng Municipal Health Office, taos-puso naming binabati ka...
15/02/2026

𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐩𝐨, 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫! 🎉

Mula po sa buong pamilya ng Municipal Health Office, taos-puso naming binabati kayo sa inyong kaarawan.

Maraming salamat po sa inyong matatag na pamumuno, malasakit sa kalusugan ng ating mamamayan, at walang sawang suporta sa mga programa at serbisyong pangkalusugan ng ating bayan.

Dahil sa inyong gabay at dedikasyon, patuloy nating naitataguyod ang mas maayos, mas ligtas, at mas malusog na komunidad.

Nawa’y pagkalooban pa kayo ng Panginoon ng mas matibay na pangangatawan, malinaw na kaisipan, at higit pang lakas upang maipagpatuloy ang inyong adhikain para sa bayan.

Maligayang kaarawan po muli, Mayor Meg! 🎂


15/02/2026
14/02/2026

Pagbati ng isang matamis at maligayang Araw ng mga Puso!

Patuloy nawa nating ipadama ang pagmamahal, pagdadamayan at malasakit sa bawat isa.

Arya Abra!

14/02/2026
14/02/2026

𝐍𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐞𝐛𝐫𝐞𝐫𝐨 𝟏𝟒–𝟐𝟎, 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐮𝐚𝐥 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐖𝐞𝐞𝐤. 💙

Bawat isa ay may kakayahan at karapatan! Suportahan natin ang mga taong may intellectual disability sa kanilang pag-abot ng pantay at makabuluhang oportunidad sa edukasyon, trabaho, at pamumuhay. 🌟

Magtulungan tayo sa pagbuo ng isang inklusibo at mapagkalingang komunidad 🤝—isang lipunang walang puwang ang diskriminasyon at may pagpapahalaga sa dignidad ng bawat isa. 📚

Sama-sama nating itaguyod ang malasakit, paggalang, at pagkakapantay-pantay. 💙




13/02/2026

🤗 𝐂𝐚𝐫𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐲𝐨𝐮𝐫𝐬𝐞𝐥𝐟, 𝐂𝐚𝐫𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫𝐬 🤗

Ang kalusugang pangkaisipan ay mahalaga sa bawat yugto ng ating buhay. Normal ang makaramdam ng lungkot, pagod, o pag-aalala — at ang paghingi ng tulong ay hindi kahinaan, kundi isang tanda ng lakas. May tulong na handang umagapay.

Kung ikaw o may kakilala kang nangangailangan ng kausap, may mga handang makinig at umagapay:

📞 𝐍𝐂𝐌𝐇 𝐂𝐫𝐢𝐬𝐢𝐬 𝐇𝐨𝐭𝐥𝐢𝐧𝐞:
1553 (Nationwide landline toll-free)
0917 899 8726 (Globe and TM Subscribers)
0966 351 4518 (Globe and TM Subscribers)
0908 639 2672 (Smart and TNT Subscribers)

🔗 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐂𝐫𝐢𝐬𝐢𝐬 𝐇𝐨𝐭𝐥𝐢𝐧𝐞𝐬:
https://bit.ly/39EX9KA

𝐀𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝟕 𝐡𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡𝐲 𝐡𝐚𝐛𝐢𝐭𝐬 𝐚𝐭 𝐢𝐬𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐢𝐭𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐥𝐮𝐬𝐨𝐠 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐭𝐢𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐭𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐭𝐡𝐫𝐨𝐮𝐠𝐡 𝐭𝐡𝐞 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬!

𝐊𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐎𝐤𝐬𝐢𝐌𝐢𝐧, 𝐁𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬𝐢𝐧!







13/02/2026
13/02/2026
13/02/2026
12/02/2026

Address

Municipal Compound, Venturanza Street
Abra De Ilog
5108

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639610303274

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Abra de Ilog-Municipal Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Abra de Ilog-Municipal Health Office:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram