06/02/2026
📣 PAALALA SA LAHAT NG BUNTIS AT KAPAPANGANAK PA LAMANG NA NANAY
Mahalaga po ang kumpletong Prenatal at Postpartum check-ups para sa kaligtasan ng ina at sanggol.
âś… 8 PRENATAL VISITS ang nirerekomenda
âś… 4 POSTPARTUM VISITS pagkatapos manganak
Sa mga visit na ito:
• Maagang natutukoy ang posibleng komplikasyon
• Nasusubaybayan ang paglaki at kalusugan ng baby
• Napo-protektahan ang kalusugan ng nanay bago at pagkatapos manganak
📍 Huwag hintaying magkasakit bago magpa check-up. Ang regular na check-up ay alaga at pagmamahal para sa sarili at sa iyong anak 💖
📌 Para sa schedule at karagdagang impormasyon, magtungo lamang sa ating Barangay Health Centers.