17/07/2025
PABATID: Sa kabila ng kumakalat na mga impormasyon tungkol sa rabies, nais ipabatid ng Bataan Provincial Health Office ang mga DOH-accredited Animal Bite Treatment Centers dito sa lalawigan ng Bataan:
Jose C. Payumo Jr. Memorial Hospital - San Ramon, Dinalupihan
Dinalupihan RHU III - Old San Jose, Dinalupihan
Hermosa RHU - Palihan, Hermosa
Orani District Hospital - Maria fe, Orani
Bataan General Hospital and Medical Center - Tenejero, Balanga City
Balanga City Health Center I - San Jose, Balanga City
Orion RHU - Wawa, Orion
Limay RHU - Townsite, Limay
Mariveles RHU I - Poblacion, Mariveles
Ayon sa datos, ang karaniwang pinagmumulan ng human rabies death ay kagat mula sa a*o. Dahil dito, ipinapayo ng Bataan PHO ang responsableng pangangalaga ng a*o at pusa. Ito pa rin ang pinakamabisang paraan upang masiguro na ang inyong mga alagang hayop ay hindi nagdadala ng rabies virus (lyssavirus).
Bukod sa a*o't pusa, ang rabies ay maaari ring magmula sa paniki, unggoy, at tao; maaari itong maipasa sa pamamagitan ng kagat, kalmot, o pagdila sa sugat; organ transplant mula sa taong namatay sa rabies; paglanghap ng maruming hangin mula sa tinitirahan ng apektadong paniki; at pagkain ng hilaw na karne ng hayop na may rabies.
Tandaan, ang rabies ay maaaring maagapan kung makukumpleto ang bakuna laban dito, ngunit kung hindi maaagapan ay tiyak na mauuwi sa kamatayan sa oras na lumabas na ang sintomas.
Maging responsable, pabakunahan ang inyong mga alagang hayop upang rabies ay maiwasan. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas na komunidad na puno ng responsable at matatag na pamilyang BataeΓ±o.