04/02/2026
π¨ Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) π§π¦
π¦ Ano ito?
Ang HFMD ay isang viral infection na karaniwang nakikita sa mga bata, pero puwede ring tamaan ang matatanda. Madaling kumalat lalo na sa eskwelahan at daycare.
π Mga Sintomas:
βοΈ Lagnat
βοΈ Singaw sa bibig
βοΈ Pantal o butlig sa kamay, paa, minsan sa puwit
βοΈ Sore throat, hirap kumain
βοΈ Panghihina / iritable ang bata
π Pangangalaga at Lunas:
β
Walang specific na gamot para pumatay ng virus
β
Paracetamol para sa lagnat at sakit
β
Painumin ng maraming tubig
β
Malalambot at malamig na pagkain (iwas sa maanghang/maasim)
β
Pahinga at iwas muna sa school hanggang gumaling
π§Ό Iwas-Sakit:
Hugas kamay palagi, iwas sharing ng utensils at toys, at linisin ang madalas hawakan na gamit.
π Magpatingin sa doktor kung hirap uminom, mataas ang lagnat, o lumalala ang sintomas.