30/11/2025
Short story lang po😅
Regular patient ko si mamsh sa clinic then after bgla siyang dina ngfollow up. Pagbalik nya ay 8 months na siyang preggy pero dko siya agad nakilala kc sobrang manas niya na abot hanggang mukha. Pag check ng bp nya sobrang taas talaga. Advise admission ako sa kanya at ngpaadmit naman ito para mabgyan ng pampababa ng bp at ng gamot para sa baga ni baby kc pag dpa din nacontrol ang bp nya need na talaga ilabas si baby. Kaso ayun na nga nagpilit siyang umuwi after 2 days sa isang pampublikong ospital😬
Bumalik siya saakin subalit ganun padin ang kanyang bp at OA na talaga ung manas siya. Advise nako for termination na ung pagbubuntis nya. Admits tip lang ang IE ko sa kanya kaya kako emergency CS siya kc malayo sa katotohanan na pwede siyang magnormal delivery at para maprevent na siya ay mag-eclampsia.
36 weeks siya nun pero malakas ang kanyang baby. Hindi naincubator subalit inobserve lang sa nursery.
At ito na nga siya! Isang napakaganda at lusog na baby. Salamat Mamsh R sa iyong pagtitiwala. Mahal ko kayo😘