04/07/2022
Pagasa. (Hope)
Ano nga ba ang pag asa o hope?
Ano nga ba ang gusto mo sa buhay bakit hangang ngayon umaasa ka padin na may mag babago sa sitwasyon mo ngayon?
Karamihan sa atin ngayon ay may pansariling mga bagay o pangarap sa buhay na gusto nating makamit. Marahil ang iba ay nag aasam ng mga materyal na bagay, habang ang iba naman ay nangangarap ng katiwasayan sa sarili nila.
Oo,
ibat iba ang mga tao,
ibat iba ang mga pinag dadaanan
ibat ibang karanasan, at
ibat iba din ang gustong marating
Ikaw, anong gusto mong mabago sa buhay mo?
Meron ka bang nakikitang pag asa na makamit ito?
Lagi natin tatandaan, na gaano man kahirap ang ating pinag daanan sa buhay,
Gaano man kabigat ang pasan mong obligasyon
Gaano mam ka lugmok ng iyong sitwasyon ngayon,
Wag ka mawawalan ng pag asa.
Lahat ng iyan ay lilipas din,
hindi man madali,
hindi man mabilis
Hindi man agad bukas,
Umasa ka at ibibigay din sayo yan.
Mangarap ka lang ng mangarap, sabayan mo ng dasal, paniniwala at gawa, makikita mo din ang tamang daan patungo sa layunin mo sa buhay.