Angat Water Refilling Stations Association, Inc.

Angat Water Refilling Stations Association, Inc. AWReSAI💧, the Angat Water Refilling Stations Association, Inc., is a respected organization of committed water refilling station owners.

Established in 2024, it is devoted to upholding safety, unity, and excellence in water quality and service.

💧💬 AWReSAI Reminder to All Consumers:🌟 We can’t demand Premium Quality at Bargain Prices!Dahil tandaan — ang mga water r...
22/10/2025

💧💬 AWReSAI Reminder to All Consumers:

🌟 We can’t demand Premium Quality at Bargain Prices!

Dahil tandaan — ang mga water refilling station ay negosyo, hindi charity.
Lahat ng ginagastos, pinaghirapan, at sinisiguradong ligtas bago makarating sa galon mo. 💦😊



Madalas nating marinig:

“Kuya, pareho lang naman ‘yan, tubig din.” 😅
“Sa kabila mas mura ng ₱5.” 💸
“Puwede bang bawasan kahit piso?” 🥺

Pero kung alam mo kung ano ang nasa likod ng bawat refill,
maiintindihan mong sulit talaga ang lehitimo at maayos na water refilling station. 💧



💼💡 Ano ba talaga ang binabayaran sa bawat galon?

⚙️ Operations & Electricity – Mahabang oras nakaandar araw-araw ang mga makina para makapag-produce ng malinis, ligtas, at sapat na supply ng tubig.

🧪 Water Testing Requirements
• Monthly Bacteriological Test 🧫
• Semi-Annual Physical & Chemical Test 💧
• Annual Potability Test 🧾
👉 Lahat ito ay requirement ng DOH para siguraduhin na ligtas ang tubig mo araw-araw.

📋 Legal & Business Permits
• DTI or SEC Registration
• BIR Registration & Taxes
• Mayor’s/Business Permit
• Sanitary Permit
• Occupational & Health Certificates
• Fire Safety Inspection Certificate
• Barangay Clearance
✅ Lahat binabayaran at inaasikaso taon-taon bago makapagbenta ng kahit isang galon.

🔧 Filter Replacements & Machine Maintenance – Regular ang palit at linis ng filters, UV lamps, at membranes para siguradong walang kontaminasyon.

🚚 Delivery Labor & Fuel Costs – Mga tauhan na araw-araw bumabyahe, kahit umulan o maaraw, para makapaghatid sa’yo ng malinis na tubig. 💪

🧴 Cleaning & Packaging Supplies – Caps, seals, soaps, at sanitizers — lahat para siguradong fresh, malinis, at walang amoy ang tubig mo.



⚖️ At higit sa lahat:

Kapag bumili ka sa legit at registered water refilling station,
may accountability at proteksyon ka bilang consumer. 🧾

Kung sakaling magkaroon ng aberya sa produkto,
may habol ka — dahil may permit, may dokumento, at may record ang negosyo. 📑

Kaya tandaan:
Dun ka na sa legal, kasi dun ka rin panatag. 💙



❤️ Para sa ating mga suki:

Ang mura na walang quality, mas mahal sa huli. 💸
Ang ₱5 na tinipid sa galon, pwedeng maging ₱500 sa gamot. 💊

Mas mabuti nang bumili sa legit, tested, at may permit
kaysa makipagsapalaran sa hindi sigurado.



💧 AWReSAI – Angat Water Refilling Stations Association, Inc.
Supporting fair pricing, clean water, and legitimate operations nationwide. 🇵🇭
Dahil sa bawat patak ng tubig, may kabuhayan, malasakit, at integridad. 💙

💧 ANGAT WATER REFILLING STATIONS ASSOCIATION, INC. (AWReSAI) 💧is bursting with pride as we congratulateDra. Regie Adrian...
17/10/2025

💧 ANGAT WATER REFILLING STATIONS ASSOCIATION, INC. (AWReSAI) 💧
is bursting with pride as we congratulate

Dra. Regie Adriano Trinidad, RMT, DTA, MLS(ASCPi), AMT, MD 🎓🩺

for successfully passing the October 2025 Physicians Licensure Examination and the United States Medical Licensure Examination! 🇵🇭🇺🇸

From testing tubes to stethoscopes — grabe, Doc Regie, ang level up! 😍
Your dedication and determination inspire not only future doctors, but even us in the water industry who keep pushing to serve better every day. 💧💙

The entire AWReSAI family is so proud of you!
Tunay kang patunay na kapag may puso, sipag, at dasal — walang exam na hindi papasain! 🙌✨

Congratulations, Dra. Regie!
“Sa Serbisyong Tubig, Sama-Sama sa Pag-angat.”

Isang mainit na pagbati at taos-pusong pagsaludo kay Dr. Regie A. Trinidad sa kanyang matagumpay na pagpasa sa October 2025 Physicians Licensure Examination at United States Medical Licensure Examination!

Si Dr. Trinidad ay isa sa ating mga “Doktor ng Bayan” na walang sawang naglilingkod bilang volunteer doctor sa Municipal Joint Services sa Barangay (MJSB) — katuwang sa paghahatid ng libreng serbisyong medikal at pangkalusugan sa ating mga kababayan.

Ang iyong tagumpay ay hindi lamang personal na karangalan, kundi inspirasyon sa mga kabataang Angatenyo at sa lahat ng lingkod-bayan na patuloy na nagbibigay ng malasakit at serbisyo sa kapwa.

Mabuhay ka, Dr. Regie!

Ipagmalaki ang lahing Angatenyo — sa puso, sa serbisyo, at sa tagumpay!

💧⚖️ AWReSAI LEGAL ADVISORY POST ⚖️💧(Angat Water Refilling Stations Association, Inc.)📢 USAPANG LEGAL:Pwede bang pagbawal...
16/10/2025

💧⚖️ AWReSAI LEGAL ADVISORY POST ⚖️💧
(Angat Water Refilling Stations Association, Inc.)

📢 USAPANG LEGAL:
Pwede bang pagbawalan ng isang bayan ang pag-deliver ng inuming tubig mula sa ibang lugar?

Maraming operator ang nagtatanong:
“Legal ba na ipagbawal ng isang munisipyo ang delivery ng tubig galing sa ibang bayan dahil sa local ordinance na pumu-protekta raw sa mga water station nila?”

🧑‍⚖️ Ang malinaw na sagot: HINDI.
Narito ang mga legal at technical na batayan:



🧾 1️⃣ KONSTITUSYONAL NA BATAS (1987 Constitution, Art. XII, Sec. 6)

“All individuals and entities shall have the right to engage in business and trade, subject to regulation of the State.”

📌 Ibig sabihin: May karapatan ang bawat negosyante na mag-trade saanmang bahagi ng Pilipinas basta’t sumusunod sa pambansang batas.
Ang isang lokal na ordinansa ay hindi maaaring magpataw ng total ban sa legal na negosyo galing sa ibang bayan, dahil ito ay labag sa prinsipyo ng free enterprise at karapatan ng mamimili.



🏛️ 2️⃣ LOCAL GOVERNMENT CODE (RA 7160)

May kapangyarihan ang mga LGU na mag-regulate ng businesses within their jurisdiction — ngunit hindi ito nagbibigay ng karapatang magbawal ng negosyo na lehitimo at may national permit.

✔️ Pwede silang mag-require ng sanitary permit o inspection para masiguro ang kalinisan.
❌ Pero hindi nila pwedeng ipagbawal ang pagpasok ng produkto kung ito ay registered, licensed, at sumusunod sa national standards.

Ang Section 16 (“General Welfare Clause”) ay hindi nagbibigay ng karapatang magtakda ng exclusive delivery privileges para sa mga local businesses — dahil iyon ay anti-competitive at discriminatory.



🧪 3️⃣ DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) ADMINISTRATIVE ORDER NO. 2017-0010

Ang DOH ang may pangunahing hurisdiksiyon sa lahat ng water refilling stations sa bansa.
Nakasaad dito na ang bawat WRS ay dapat:
• May License to Operate (LTO)
• Dumaan sa regular bacteriological at chemical testing
• Sumunod sa packaging, labeling, at transport standards

🧠 Walang probisyon sa DOH AO na nagsasabing bawal mag-deliver sa ibang bayan.
Ang tanging kondisyon: dapat ligtas, properly sealed, at traceable ang source ng tubig.



🚫 4️⃣ PHILIPPINE COMPETITION ACT (RA 10667)

Ang anumang local ordinance na pumipigil sa delivery ng tubig upang “protektahan” lamang ang local operators ay maituturing na:

“Abuse of dominant position or anti-competitive agreement.”

📍 Ibig sabihin: Ang ganitong ordinansa ay maaaring i-report sa Philippine Competition Commission (PCC) bilang local protectionism — isang uri ng unfair trade practice na pumipinsala sa free market at sa karapatan ng mamimili.



📍 5️⃣ PRAKTIKAL NA HALIMBAWA

Kung ang water refilling station ay rehistrado sa isang bayan at kumpleto sa:
✅ DTI/SEC Registration
✅ Business at Sanitary Permits
✅ DOH License to Operate
✅ Updated Water Test Results

👉 Legal at valid ang operasyon kahit mag-deliver sa karatig bayan.
Ang pagbabawal dito ay walang sapat na legal na basehan at maaaring iapela sa DILG, DOH Regional Office, o PCC.



📖 Galatians 6:9 (NIV):

“Let us not become weary in doing good, for at the proper time we will reap a harvest if we do not give up.”

Mga Ka-Tubig, huwag panghinaan ng loob! 💙
Ang lehitimong negosyo — kumpleto sa papeles, malinis sa operasyon, at tapat sa serbisyo — ay may karapatang magpatuloy saan man. 💧



📢 AWReSAI stands for:
✅ Fair Trade
✅ Safe Water for All
✅ Legal and Clean Operations

💧 MENSAHE MULA SA AWReSAI 💧Para sa mga Water Station Owners na minsan gusto nang magpalamon sa galon! 😂💦Ka-Tubig, aminad...
16/10/2025

💧 MENSAHE MULA SA AWReSAI 💧
Para sa mga Water Station Owners na minsan gusto nang magpalamon sa galon! 😂💦

Ka-Tubig, aminado tayo — may mga araw talagang gusto mo nang sumigaw ng:

“Lord, kung tubig lang ang puhunan, bakit parang luha ang benta?!” 😭

’Yung tipong kakapa-refill mo lang, biglang tumawag si suki:
“Boss, bakit parang iba lasa ng tubig ngayon?”
Eh kagabi pa lang, ikaw na mismo ang nag-backwash habang inaantok! 😅

Tapos habang nag-aayos ka ng filter, may dumating na Sanitary Inspection —
at syempre, si Kolorum Station sa kanto, sarado na naman kasi may “timbre.” 🙄

Pero teka lang… bago mo i-off ang pump sa sobrang stress, pakinggan mo ‘to:

📖 “Let us not grow weary in doing good, for in due season we will reap if we do not give up.” – Galatians 6:9 💙

Kaya kahit pawis, kahit puyat, kahit minsan parang walang kita —
hindi ka nag-iisa.
Dahil habang may mga katulad mong lumalaban ng matino,
may saysay pa rin ang industriya ng malinis na tubig. 💧

At kung minsan naiinggit ka sa mga matagal nang station na parang hindi nauubusan ng customer —
kalma lang, Ka-Tubig! 😌
Dumaan din sila sa panahon ng tagtuyot.
Nagtiis din sila ng “pakyawan pero patong lang ₱5,”
ng customer na “boss, next week na lang bayad,”
at ng mga araw na halos ikaw lang ang bumibili ng sarili mong tubig. 😂

Hindi mo kailangang sumuko o makipagkumpitensya —
ang kailangan mo lang ay tiwala, tiyaga, at tamang sistema.
Habang tuloy ka lang sa tama at malinis na serbisyo,
darating din ang panahon na ikaw naman ang titingalain ng mga bagong station. 💪💦

Kaya kapit lang, Ka-Tubig!
Kung napuputol ang hose, ikabit ulit.
Kung ubos ang barya sa sukli, ngumiti lang at sabihing:

“Ma’am, pahingi na rin po ng dasal!” 😂🙏

Dito sa AWReSAI (Angat Water Refilling Stations Association, Inc.),
hindi lang tayo mga taga-refill —
tayo ay mga taga-puno ng pag-asa, bawat galon, bawat araw. 💙

💧 Tubig ang negosyo, pero tibay at tiwala ang puhunan. 💪

💧 BAKIT HINDI ADVISABLE MAGPAHIRAM NG GALON? 🤔📣 Friendly reminder mula sa Angat Water Refilling Stations Association, In...
14/10/2025

💧 BAKIT HINDI ADVISABLE MAGPAHIRAM NG GALON? 🤔

📣 Friendly reminder mula sa Angat Water Refilling Stations Association, Inc. (AWReSAI)

“Kuya, pahiram muna ng galon ha — babalik ko rin agad!”
“Naubusan lang ako ngayon, next refill promise, balik ko na.”

Mabuting hangarin naman talaga ‘yan. 🥰
Pero sa negosyong tubig, ang simpleng “pahiram lang” minsan ay nauuwi sa aberya, stress, at problema sa kalinisan at operasyon. 💦



💡 BAKIT NGA BA HINDI DAPAT?

🔹 1️⃣ Maaaring hindi na malinis pagbalik.
Hindi natin alam kung saan ginamit o saan napunta ang galon.
Pwedeng:
• Ginamit muna sa s**a o mantika 🫢
• Naiwan sa labas na nabasa ng ulan ☔
• O naimbak sa garahe na may alikabok o ipis 🐜

Kahit mukhang malinis, may chance na may molds o bacteria sa loob na hindi nakikita ng mata. 👀



🔹 2️⃣ Nasisira ang sanitation control ng station.
Ayon sa DOH at FDA standards, dapat kontrolado ng station kung paano nililinis at ini-store ang mga lalagyan.
Kapag pinahiram, nawawala ang control na ‘yan — at hindi na alam kung dumaan pa ito sa tamang cleaning process.

🧴 Example:
May customer na nagbalik ng galon na ginamit pala pansamantalang imbakan ng sabon o detergent. Pag refill, may residue pa sa loob — delikado ito kapag nainom. 😬



🔹 3️⃣ Naiiwan, nawawala, o nasisira.
Minsan hindi sinasadya — pero:
• Nakakalimutan ibalik 😅
• Napagkamalang sariling galon
• O nasira ang takip habang ginagamit

Kapag pinagsama-sama lahat ng “pahiram lang,” nauubos ang stock ng galon ng station at naapektuhan ang delivery sa ibang customer. 🚚

🧴 Example:
May 5 galon kang pinahiram, tatlo lang ang bumalik, at isa pa may crack na sa ilalim — lugi ka na, delikado pa gamitin!



⚖️ LET’S WEIGH IT:

✅ Magandang intensyon:
• Nakakatulong sa customer lalo na sa emergency
• Nakakabuo ng tiwala at goodwill
• Convenience sa oras ng kagipitan

❌ Pero may masamang epekto:
• Posibleng makontamina ang tubig
• Nawawala ang sanitation control
• Naiiwan o nasisira ang galon
• Pwede magdulot ng health risk sa ibang bibili

🧴 Example:
Isang pahiram na galon na ginamit sa s**a, kahit banlawan mo pa, may amoy pa rin.
Pag ginamit ulit sa refilling — kahit purified pa ang tubig — mag-aamoy s**a rin sa bahay ng customer. 🤢



💸 SA PANIG NG OPERATOR:

Hindi lang ito tungkol sa kalinisan — lugi rin sa panig ng water station operator.

Kapag napahiram at di naibalik, nababawasan ang capital, inventory, at rotation ng galon.
Hindi basta-basta mura ang lalagyan — at bahagi ito ng puhunan ng negosyo.

🤔 Isipin natin:
Sa ibang negosyo ba, nahihiram mo ang lagayan ng produkto nila?
Kapag bumili ka ng softdrinks, gasul, o ice cream tub — binabayaran din ng customer ang lalagyan, hindi pinapahiram.
Ganun din po sa tubig. 💧

Ang galon ay bahagi ng produkto at sistema ng negosyo, hindi simpleng lalagyan lang.
Kaya kapag “pahiram lang,” parang pinahiram mo na rin ang parte ng puhunan ng operator. 💸



💬 PARA SA MGA RESELLER AT HOUSEHOLD CLIENTS:

💧 Magkaroon ng sariling galon na nakalaan lang sa inuming tubig.
💧 Ihiwalay sa ibang gamit — wag gamitin sa mantika, sabon, s**a, at iba pa.
💧 Kung emergency talaga, makipag-usap nang maayos sa station — karamihan may deposit o replacement system para hindi hassle sa magkabilang panig.

🧴 Example:
“Kuya, wala pa akong galon ngayon, pwede po ba deposit muna?”
— Mas maayos ‘yan kaysa pahiram, kasi safe, traceable, at walang stress sa huli. 🙌



💪 PARA SA MGA OPERATOR:

Huwag matakot sa mga nagsasabi ng:

“Hindi ka magkakaroon ng customer pag di ka nagpahiram ng galon!”

Madami nang water station ang nagbebenta ng tubig kasama na ang galon, at marami silang suki.
Bakit? Kasi malinaw ang patakaran, maayos ang sistema, at hindi sila nalulugi sa mga nawawalang lalagyan.

Tandaan — ang galon ay dapat na sariling pundar ng customer, hindi sagot ng operator.
Kapag malinaw ang policy, mas nagkakaroon ng respeto at tiwala ang mga suki sa station mo. 💙



🧭 PAALALA MULA SA AWReSAI:

Hindi dahil madamot ang water station, kundi dahil maalaga ito sa kalinisan, kalusugan, at tiwala ng bawat customer.
Kahit gaano pa ka-high tech ang filtration system, kung maruming galon ang pinaglagyan, sayang ang buong proseso.

Kaya tandaan:
👉 Ang tunay na malinis na tubig ay nagsisimula sa malinis na lalagyan! 💙

💧

🚨 ABISO PUBLIKO MULA SA AWReSAI 🚨(Angat Water Refilling Stations Association, Inc.)Kaugnay ng opisyal na pagbubukas ng G...
11/10/2025

🚨 ABISO PUBLIKO MULA SA AWReSAI 🚨
(Angat Water Refilling Stations Association, Inc.)

Kaugnay ng opisyal na pagbubukas ng GulayAngat Festival sa Lunes, Oktubre 13, 2025, ipinababatid po ng AWReSAI sa ating mga kababayan na maaaring magkaroon ng mabigat na daloy ng trapiko mula 5:30 AM hanggang 9:00 AM sa bayan ng Angat.
Ang parada ng mga karosa ay dadaan mula Barangay Niugan hanggang Angat Municipal Gymnasium sa Poblacion. 🎉🥕🌽

💧 PAALALA SA MGA CUSTOMER:
➡️ Maaaring maantala ang ilang water deliveries sa Lunes dahil sa nasabing aktibidad.
➡️ Pinapayuhan po ang lahat na mag-reserba ng tubig nang maaga.
➡️ Sarado ang karamihan sa mga water refilling stations ng Angat sa Linggo (Oktubre 12, 2025).

Lubos pong nauunawaan ng AWReSAI ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na serbisyo sa tubig, at kami po ay nakikiisa sa pagdiriwang ng GulayAngat Festival 2025 — patunay ng sigla at pagkakaisa ng ating bayan. 💙💦

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at suporta! 🙏





ABISO PUBLIKO

Kaugnay ng opisyal na pagbubukas ng pagdiriwang ng GulayAngat Festival sa Oktubre 13, ipinababatid po sa mga gumagamit ng daang lansangan sa bayan ng Angat na maaaring magkaroon ng pagbigat ang daloy ng trapiko mula 5:30 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga dahil sa Parada ng Karosa mula Barangay Niugan hanggang Angat Municipal Gymnasium sa Poblacion.

Maaari po kayong dumaan sa alternatibong ruta upang hindi masyadong maabala. Hinihiling po ang pakikiisa at pang-unawa ng lahat. Maraming salamat po.


💧 OPEN LETTER PARA SA MGA NAGBABALAK MAGTAYO NG WATER STATION📣 Mula sa Angat Water Refilling Stations Association, Inc. ...
07/10/2025

💧 OPEN LETTER PARA SA MGA NAGBABALAK MAGTAYO NG WATER STATION

📣 Mula sa Angat Water Refilling Stations Association, Inc. (AWReSAI)



Mahal naming mga future Waterpreneurs,

Bago ka maglabas ng puhunan o bumili ng “complete setup” na nakikita mo online, huminto ka muna sandali. 💧
Marami sa mga for sale na water refilling station equipment ngayon ay may kasamang kwento —
minsan kwento ng tagumpay, pero madalas din, kwento ng pagod at pagkakamali.

Ang layunin ng liham na ito ay simple:
Hindi para hadlangan ka, kundi para gabayan ka.



💡 1️⃣ Unawain muna ang negosyo, hindi lang ang makina.

Ang water refilling station ay hindi simpleng refill-refill lang.
Ito ay kombinasyon ng engineering, sanitation, at customer service.

Halimbawa:
May isang owner na bumili ng mura, second-hand RO machine mula sa ibang bayan.
Pagkabit nila, hindi pala swak sa source water ng lugar nila.
Resulta: madalas masira, at hindi pumasa sa bacteriological test.

👉 Lesson: Bago bumili, magpa-water analysis muna at siguraduhing tama ang design para sa lugar mo.



⚙️ 2️⃣ Ang “complete setup” ay hindi laging “complete solution.”

May mga nagbebenta ng full package — tanks, filters, UV, delivery trike, etc.
Pero tanungin mo rin:
• May updated sanitary permit ba?
• Gumagana pa ba lahat ng filters at UV lamp?
• Naka-rehistro ba sa FDA (CPR) at LGU?

Maraming nadadala sa murang presyo, pero sa huli, mas malaki pa rin ang gastos sa pag-aayos.



💸 3️⃣ Totoong puhunan dito: oras, tiyaga, at serbisyo.

Ang kita ay dumarating, pero hindi agad-agad.
Kailangan mong bumuo ng tiwala — sa mga kapitbahay, sa mga suki, at sa community mo.

Halimbawa:
May isang station owner na tatlong galon lang ang benta sa unang linggo.
Ngayon, apat na taon na siya, may 300+ suki at regular deliveries.
Paano? Simple lang — maayos ang serbisyo at consistent ang linis ng tubig.



🤝 4️⃣ Huwag kang mag-isa — may mga handang tumulong.

Sa AWReSAI (Angat Water Refilling Stations Association, Inc.),
marami kaming members na dati ring nag-umpisa sa wala.
Dito, nagtutulungan kami sa:
✅ Tamang information at training
✅ DOH compliance guidance
✅ Support system para sa new and existing station owners

Kasi ang tunay na kalaban natin ay hindi kapwa station,
kundi maling impormasyon, unregulated practices, at kakulangan sa standardization.



❤️ 5️⃣ Kung magtatayo ka, gawin mo nang tama.

Magpa-test muna ng source water bago bumili ng kahit anong makina.
Kausapin ang mga legit na supplier.
At higit sa lahat — magplano hindi lang para makabenta, kundi para magsilbi ng malinis, ligtas, at maaasahang tubig.



💬 Sa huli:
Ang negosyo ng tubig ay hindi para sa nagmamadali.
Ito ay para sa mga may malasakit, may tiyaga, at may prinsipyo.

At kung isa ka sa mga gustong magsimula nang tama —
nandito ang AWReSAI, handang gumabay sa bawat hakbang mo. 💙



Starting a business is easy, keeping it alive is hard, but making it truly profitable is the toughest challenge.
23/09/2025

Starting a business is easy, keeping it alive is hard, but making it truly profitable is the toughest challenge.

First week pa lang, alam kong magco-close na sila.

Earlier this year, may nakainan akong unli samgyup business dito lang malapit sa amin.

They offered unlimited chicken, pork and even beef for P199 per head as an opening promo pero hindi nila deliberately sinabi na "promo" lang yun.

At face value, alam ko na agad na matagal na ang 6 months, magco-close na yung business because of bad economics.

Sobrang mahal ng beef at pork, unli din yung lettuce, may rent, sweldo, utilities and other overhead.

Fast forward, in just 2 months, closed down na yung business.

By the way, hindi isolated case ito.

Sobrang dami kasi ng businesses ang ganito: top notched offering and "pang-masa na presyo" kasi naghahabol ng malaking sales only to end up losing money every time they make a sale.

Maganda sana yung concept and intention pero sinamahan lang talaga ng maling economics kaya madali lang natiklop.

Yung hopes and dreams na maging financially independent ended up getting buried in more debt.

Kaya please, bago kayo magbusiness, see to it na kung makabenta man kayo ay talagang may lalabas na kita (profit). Or at the very least, kung kakaumpisa pa lang, kahit break-even lang muna kasi ini-introduce mo pa yung brand mo sa publiko.

Make sure to account for all cost and expenses and put a decent margin to cover your overheads.

Ps: The picture is AI generated but the story is real.
Thanks for the other comments pointing it out.

💧🇵🇭 KORAPSYON, NAGSISIMULA SA SARILI.Kung sa gobyerno ay may mga tinatawag na “ghost projects” na walang nakatayong kals...
22/09/2025

💧🇵🇭 KORAPSYON, NAGSISIMULA SA SARILI.

Kung sa gobyerno ay may mga tinatawag na “ghost projects” na walang nakatayong kalsada, tulay, o gusali ngunit may resibo at pondo — sa industriya naman ng tubig ay mayroon ding “Ghost Water Refilling Stations.”

Ito ang mga walang permit, walang papeles, at walang tamang proseso ngunit patuloy na nag-ooperate. Habang nakikinabang sila sa murang gastusin, sila rin ang:
❌ Nagpapabagsak ng presyo sa merkado,
❌ Lumalabag sa batas at regulasyon, at
❌ Naglalagay sa panganib sa kalusugan ng ating mga kababayan.

Samantalang ang mga lehitimong water refilling stations — tulad ng aming mga miyembro sa AWReSAI — ay gumagastos ng malaki para sa:
✔️ Pagkuha ng tamang permits at clearances,
✔️ Pagbabayad ng tamang buwis at bayarin,
✔️ Pagpapanatili ng kalidad, kalinisan, at kaligtasan ng inuming tubig, at
✔️ Pagsunod sa pamantayan ng FDA at DOH.

Ang hindi patas na labang ito ay hindi lamang usapin ng negosyo — ito ay usapin ng kalusugan ng mamamayan at integridad ng industriya ng tubig.

✊ Kaya malinaw at iisa ang aming panawagan:
“PRESYO NG TUBIG, IPAGLABAN!
ILLEGAL NA STATION, IPASARA!”

Dito sa Angat Water Refilling Stations Association, Inc. (AWReSAI), naninindigan kami laban sa Ghost Stations at Ghost Corruption.

🌏 Ito ay hindi lamang laban ng iilang negosyante.
👉 Ito ay laban ng buong Pilipinas. Laban ng lahat ng water station owners at negosyanteng lumalaban ng patas.

Sama-sama nating ipagtanggol ang:
💧 Malinis at ligtas na inuming tubig
⚖️ Pantas at patas na kalakalan
🛡️ At isang industriya ng tubig na may dignidad at malasakit sa tao

🚫💧 “BAKIT HINDI PA NASASARA ’YUNG ILLEGAL NA WATER STATION SA TABI NAMIN?”— Isang tanong na madalas marinig mula sa mga ...
17/07/2025

🚫💧 “BAKIT HINDI PA NASASARA ’YUNG ILLEGAL NA WATER STATION SA TABI NAMIN?”
— Isang tanong na madalas marinig mula sa mga lehitimong water station owners.

Narito po ang paliwanag mula sa Angat Water Refilling Stations Association, Inc. (AWReSAI):



🧑‍⚖️ 1. MAY DUE PROCESS ANG GOBYERNO

Ayon sa Local Government Code (RA 7160) at mga lokal na ordinansa, hindi maaaring basta-basta ipasara ang isang negosyo kahit malinaw na walang permit.

Ang tamang proseso:
• Inspection mula sa BPLO at RHU (Rural Health Unit)
• Paglabas ng Show Cause Order (may 3–5 araw para magpaliwanag)
• Issuance ng Notice of Violation
• Hearing o imbitasyon mula sa LGU legal
• Paglalabas ng Cease and Desist Order o Closure Order mula sa Office of the Mayor

🔎 (Example only):
Na-report ng tatlong legal stations ang isang water refilling station.
Na-inspect at nakita: walang business permit, walang RHU clearance, at walang sanitary permit.
Ngunit dahil unang violation pa lamang, binigyan muna ng palugit para mag-comply.
Kaya sa susunod na linggo — bukas pa rin.



👥 2. MINSAN, MAY NAGIGING “PALAKASAN”

Hindi na rin lihim na may mga kolorum na may personal na koneksyon sa mga nasa posisyon.
Kahit may violation, naaantala ang enforcement kapag may “backer” na humaharang sa proseso.

🔎 (Example only):
BPLO: “Sir, wala po kayong permit — kailangang isara na ito.”
Operator: “Kaibigan ko po si Mayor. Kami na lang po mag-uusap.”
Pagbalik ng inspector — nasa opisina na, nakikipag-lunch meeting na.



🕵️ 3. MGA NAGKUKUNWARING LEGAL – PERMIT NG IBA ANG NAKADISPLAY

May mga gumagawa ng paraan para magmukhang legal:
• Gumagamit ng permit ng ibang business name
• Nagdidisplay ng expired o falsified FDA or RHU documents
• Nagpi-print ng mga “certificates” galing sa internet

⚖️ Violations may include:
• Revised Penal Code – Falsification of Public Documents
• Sanitation Code of the Philippines (PD 856)
• FDA Act of 2009 (RA 9711)

🔎 (Example only):
Customer: “May permit po ba kayo?”
Operator: “Meron po, ayun oh!”
Pag-check sa BPLO — ibang pangalan ang rehistrado.
FDA cert? Laminated, color-printed galing Canva.



🧑‍🔧 4. LIMITADO ANG RESOURCES NG ENFORCEMENT TEAMS

Sa maraming bayan, dalawa lang ang inspector para sa daan-daang business establishments.
Walang service vehicle, walang driver, at kung minsan, may ibang mas prioridad ang LGU.

🔎 (Example only):
BPLO: “Sir, scheduled na po ang closure niyo sa Friday.”
Friday: “Wala pong driver. ’Yung sasakyan po ginamit sa barangay basketball tournament.” 🏀



🚪 5. “TEMPORARY CLOSE” KUNO, PERO BALIK-OPERATE DIN PAGKATAPOS

Kapag may balitang inspection, nagsasara muna o “vacation mode.”
Kapag malamig na ang isyu, balik-operate ulit — minsan pa nga lipat barangay, lipat tarp, pero parehong makina.

🔎 (Example only):
Na-raid sa Barangay A.
Ilang araw sarado.
Pagkalipas ng linggo, lumipat sa Barangay B.
Parehong operator, pero ibang brand name at tarp.
Still no valid permits.



🤔 SINO ANG TALO DITO?

❌ Mga legal stations na sumusunod sa RHU, FDA, BPLO, BIR, at DTI
❌ Customers na walang kasiguraduhan sa tubig na iniinom
❌ LGUs na nawawalan ng tiwala ng publiko kapag enforcement ay di konsistent



💧 ANG PANAWAGAN NG AWReSAI: PAREHAS NA LABAN.

Kami po sa AWReSAI ay nagsusulong ng:
✅ Legal at rehistradong hanapbuhay
✅ Ligtas na inuming tubig para sa bawat pamilya
✅ Makatarungan at malinaw na pagpapatupad ng batas — hindi palakasan, hindi palusutan



📣 GUSTO MO NG KATUWANG? LUMAPIT SA AMIN.
Kami’y bukas makipagtulungan sa mga LGU at regulatory offices para sa mas ligtas, patas, at tamang pagpapatakbo ng industriya ng tubig sa Angat at karatig-bayan.

📌 Angat Water Refilling Stations Association, Inc.
Serbisyong Totoo. Tubig na Sigurado.



📝 Disclaimer:
Ang mga halimbawang nabanggit ay gawa-gawa lamang para sa layuning magbigay-linaw at edukasyon. Hindi ito tumutukoy sa sinumang partikular na tao, negosyo, o institusyon. Ang AWReSAI ay naninindigan sa patas, legal, at makataong pagtrato sa lahat ng miyembro ng industriya.

Address

49 Daang Giso Street, Brgy. Sta. Cruz
Angat
3012

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Angat Water Refilling Stations Association, Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram