Angono Rural Health Unit II / Birthing Facility

Angono Rural Health Unit II / Birthing Facility Official page of Brgy. Mahabang Parang Health Center
(24/7 Health Facility) Official page of Brgy. Mahabang Parang Health Center (Angono, Rizal)

04/09/2025

Anunsyo!

Nais po namen ipag bigay alam na Ang DENTAL SERVICE po naten ay na KANSELA po bukas ( SEPT 5,2025 ) sa kadahilanan na Ang ating Dentista ay magtutungo sa eskwelahan upang mag check up sa mga manlalaro ng Paaralan para sa darating na palarong pangbansa ng mga mag aaral..kami po ay humihingi ng paumanhin sa naantala na serbisyo...maraming salamat po

LIBRENG BAKUNA KONTRA MEASLES-RUBELLA o TIGDASDates: August 26-29, 2025Para sa mga kabataang taga Mahabang Parang na nas...
26/08/2025

LIBRENG BAKUNA KONTRA MEASLES-RUBELLA o TIGDAS

Dates: August 26-29, 2025

Para sa mga kabataang taga Mahabang Parang na nasa edad 10 hanggang 19 taong gulang

(maliban sa mga Grade 7 students na nag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa Angono - dahil may nakalaang bakuna para sa kanila sa kanilang mga eskwelahan)

Requirements:
~ birth certificate o ID na may birthday ng batang babakunahan bilang patunay ng kanyang edad
~ kinakailangan kasama ang magulang ng batang babakunahan
~ kung wala ang magulang, authorization letter na may pirma mula sa magulang na pinapayagang mabakunahan ang kanyang anak o certificate of guardianship mula sa barangay.

Para sa iba pang detalye, bumisita o makipag-ugnayan lamang sa Health Center o Health Workers ng inyong Barangay.

Sama-sama nating protektahan ang kalusugan ng mga kabataan laban sa TIGDAS!




20/08/2025

‼️ANIMAL BITE VACCINATION SCHEDULE‼️
MAHABANG PARANG HEALTH CENTER

August 21, 2025 / Thursday - regular schedule (1pm)
August 25, 2025 / Monday - no vaccination (HOLIDAY)
August 26, 2025 / Tuesday - regular schedule (1pm)
August 28, 2025 / Thursday - regular schedule (1pm)

September 2025
- every Monday, Tuesday and Thursday (1pm)

30/07/2025

❗ANUNSYO❗

PRE-NATAL CHECK -UP
SCHEDULE

Simula ngayong Agosto 2025 ay may pagbabagong magaganap sa araw ng pagpapakonsulta para sa mga Ka Barangay nating mga buntis.

BHS MAHABANG PARANG
(Whitehouse)
- TUESDAY (08:00AM - 05:00PM)
- THURSDAY (08:00AM - 05:00PM)
🔸Additional Schedule
- SUNDAY (08:00AM - 05:00PM)

PAGASA HEALTH CENTER
(Botong Area)
🔸New Schedule
- 1st and 3rd TUESDAY of the Month (09:00AM - 12:00PM)

Atin itong ginawa upang mapagbigyang serbisyo ang ating mga buntis na kabarangay na hindi kayang pumunta sa mga oras na sila ay nasa trabaho o hindi kayang makapunta ng Martes at Huwebes

Maraming Salamat po

-BHS Mahabang Parang

30/07/2025

‼️ANUNSYO‼️

Nais po naming ipabatid sa lahat na WALA po tayong Medical check-up o konsultasyong medikal bukas sa ating Health Center dito sa Mahabang Parang, July 31, 2025 (Thursday).

Muli pong magkakaroon ng medical check-up sa ating Health Center sa August 4, 2025 (Lunes).

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa.

Maraming Salamat po.

30/07/2025

‼️MAHABANG PARANG HEALTH CENTER‼️

NAKAGAT O NAKALMOT NG A*O O PUSA?

Nais po naming ipabatid na ang MAHABANG PARANG HEALTH CENTER ay may karagdagang schedule ng anti rabies vaccination para sa mga TAONG nakagat o nakalmot ng a*o, pusa o anumang hayop na maaaring may dala ng rabies virus.

🕐 Schedule ay tuwing: 🕐
Monday / Lunes - 1:00pm
Tuesday / Martes - 1:00pm
Thursday /Huwebes - 1:00pm

🏛️ VENUE: 🏛️
Mahabang Parang Health Center (blue building)

VACCINATION GUIDE:
1st dose, MP Health Center
2nd dose, private
3rd dose, MP Health Center
4th dose if needed, private

BOOSTER DOSE (vice versa)
- 1st dose, MP Health Center
- 2nd dose, private

👉 REQUIREMENTS:
- valid id na may address ng angono
- kung walang address ng angono ang valid id, maaaring kumuha ng brgy certificate of residency (Angono residents)

🙋🏻‍♂️ Para sa 18yo pababa: 🙋🏻‍♀️
- id o birth certificate ng bata
- kailangang kasama ng bata ang kanyang magulang
- valid id ng magulang
- kung walang address ng angono ang valid id, maaaring kumuha ng brgy certificate of residency (Angono residents)

🤷🏻‍♂️ Paano kung walang magulang na kasama ang bata? 🤷🏻‍♀️
- kailangan ay 18yo pataas ang kasamang guardian
- AUTHORIZATION LETTER mula sa magulang na nakalagay ang mga ss:
- pangalan ng batang babakunahan
- pangalan ng legal guardian
- pangalan at pirma ng magulang na pumayag pasamahan ang anak na mabakunahan ng anti rabies.
- valid id ng magulang at guardian na may address ng angono
- kung walang address ng angono ang valid id, maaaring kumuha ng brgy certificate of residency (Angono residents)

MARAMING SALAMAT PO 🙂

18/03/2025

❤️MAHABANG PARANG❤️

NAKAGAT O NAKALMOT KA BA NG A*O O PUSA?

‼️ ANIMAL BITE VACCINATION (ANTI RABIES VACCINATION) ‼️

Nais po naming ipabatid na magkakaroon na ang MAHABANG PARANG HEALTH CENTER ng anti rabies vaccination para sa mga TAONG nakagat o nakalmot ng a*o, pusa o anumang hayop na maaaring may dala ng rabies virus.

🕐 Schedule ay tuwing: 🕐
Monday / Lunes 1:00pm
Thursday /Huwebes 1:00pm

🏛️ VENUE: 🏛️
Mahabang Parang Health Center (new building)

👉 REQUIREMENTS:
- valid id na may address ng angono
- kung walang address ng angono ang valid id, maaaring kumuha ng brgy certificate of residency (Angono residents)

🙋🏻‍♂️ Para sa 18yo pababa: 🙋🏻‍♀️
- id o birth certificate ng bata
- kailangang kasama ng bata ang kanyang magulang
- valid id ng magulang
- kung walang address ng angono ang valid id, maaaring kumuha ng brgy certificate of residency (Angono residents)

🤷🏻‍♂️ Paano kung walang magulang na kasama ang bata? 🤷🏻‍♀️
- kailangan ay 18yo pataas ang kasamang guardian
- AUTHORIZATION LETTER mula sa magulang na nakalagay ang mga ss:
- pangalan ng batang babakunahan
- pangalan ng legal guardian
- pangalan at pirma ng magulang na pumayag pasamahan ang anak na mabakunahan ng anti rabies.
- valid id ng magulang at guardian na may address ng angono
- kung walang address ng angono ang valid id, maaaring kumuha ng brgy certificate of residency (Angono residents)

MARAMING SALAMAT PO 🙂

18/03/2025

‼️ANNOUNCEMENT‼️

please be informed na may bakuna na po tayo para sa ANIMAL BITE o Anti-rabies vaccine.

magreresume po tayo sa ating Health Center on March 20, 2025 / Thursday, 1pm onwards

- same protocol
- same requirements
- no singit

Schedule :
every Monday and Thursday

19/02/2025

⚠️ Alamin ang banta ng Dengue! ⚠️

Ang Dengue ay galing sa kagat ng mga lamok na may stripes na itim at puti sa kanyang katawan at binti.

Maaaring magsimula ang Dengue sa sintomas na tulad ng trangka*o, ngunit maaaring lumala at magdulot ng mas malubhang sakit.










20/12/2024

‼️FLU VACCINATION‼️

⏰SCHEDULE⏰

December 26 (Thursday)
- 9am to 12pm
December 27 (Friday)
- 9am to 12pm

Tayo po ay magkakaroon ng Libreng Bakuna kontra Flu o FLU VACCINE para sa mga SENIOR CITIZEN ng Brgy. Mahabang Parang Angono, Rizal.

Ito po ay gaganapin sa Mahabang Parang Health Center (malapit sa white house).

📌REQUIREMENTS:
- Senior Citizen ID katunayan na ikaw ay taga Brgy. Mahabang Parang Angono, Rizal
- Ballpen pangpirma ng consent form

📌PAANO KUNG WALA PANG SENIOR CITIZEN ID?
- magdala ng ID na may birthday bilang patunay na ikaw ay 60 taong gulang pataas na, kasama ang address na ikaw ay resident ng Brgy. Mahabang Parang

📌PAANO KUNG AKO AY NAKATIRA NA SA MAHABANG PARANG NGUNIT WALA PA AKONG ID NA MAY ADDRESS DITO?
- Certificate of Residency mula sa Barangay bilang patunay na ikaw ay naninirahan sa nasabing barangay.

‼️NOTE‼️
- lahat po ay dadaan sa interview at assessment upang malaman kung maaaring bakunahan o hindi
- no reservation
- may pila
- first come, first serve basis

*Siguraduhin na walang naibakuna na kahit ano sa pasyente sa loob ng isang buwan.*

Maraming Salamat po!

Address

DOMSA Ext. Brgy. Mahabang Parang
Angono
1930

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Angono Rural Health Unit II / Birthing Facility posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Angono Rural Health Unit II / Birthing Facility:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram