02/12/2025
[๐๐๐ฌ ๐ญ ๐ฆ๐ฃ๐ฅ๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ข๐ ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐๐๐ง๐๐ก๐ ๐ฆ๐ข๐๐จ๐ง๐๐ข๐ก ๐ข๐ก ๐ฆ๐ง๐๐๐ก๐๐ก๐ง ๐ช๐๐ง๐๐ฅ]
Sinimulan ng Municipal Health Office - Angono, Rizal โ Sanitation Unit at Angono DRRMO ang pag-spray ng disinfecting solution sa mga stagnant water sa Exodusville, Acacia St., at Happy Homes ng Brgy. San Vicente ngayong araw, Nobyembre 27.
Mataas pa rin ang level ng tubig sa lawa batay sa pinakahuling monitoring ng Laguna Lake Development Authority ngayong Nobyembre 27 ng 10:00AM. Ang lebel ng tubig ng Laguna de Bay ay tumaas sa 13.00 metro, mula sa kahapon na 12.97 metro.
Ang nasabing disinfecting spray ay anti-fungal, anti-dengue, anti-leptospirosis, at pangtanggal ng mabahong amoy ng tubig. Para sa ibang lugar na apektado nito, naka-schedule na ang MHO Sanitation Team na mag-ikot sa mga lugar na ito para mag disinfection spray.
Ang kasalukuyang mataas na lebel ng tubig ng lawa ay dulot ng pag-uulan ng mga nakalipas na mga bagyo na tumama sa bansa na nakaapekto sa Laguna de Bay. Bukod rito, bahagyang nakaapekto rin ang mga bumabagsak na tubig mula sa bahagi ng Bulacan at Quezon City, Sierra Madre, Daraitan River, Quezon Province na dumaraan sa Marikina River patungong Laguna Lake.
Ayon rin sa awtoridad, tuwing 23 calendar days bago bumaba ng kalahating metro ang lebel ng tubig sa lawa.
Sa kabila nito, ang umiiral na climatic conditions at ang topograpikal na katangian ng Manila Bay at Laguna de Bay basin ay inaasahan pa ring magreresulta sa matagal na pagpapanatili ng tubig at mabagal na overall subsidence.
Ayon sa LLDA, ang sumusunod ay ang mga pangunahing dahilan para sa matagal na water retention at mabagal na paghupa ng lawa ay:
High Volume Inflow:
Ang buong watershed (3,820 km2) ay nakakakuha ng ulan. Ang tubig at runoff mula sa 21 major tributaries ay direktang umaagos sa Lawa, na lumilikha ng high volume ng pag-agos na umaabot sap ag-exceed ng threshold ng lawa.
Ang Pasig River Bottleneck:
Ang lawa ay may isang natural na labasan lamang โ ang Pasig River (sa pamamagitan ng Napindan Channel). Ang bilis ng pag-agos ng tubig mula sa nag-iisang channel na ito ay lubhang nahihigitan ng bilis ng pag-agos mula sa watershed.
Mabagal na Drainage Dynamics:
Ang mababaw na lalim ng lawa (dahil sa mga dekada ng sedimentation), ang mababang hydraulic gradient (medyo patag na landscape na nag-aalok ng maliit na slope para sa drainage), at ang tidal influence ng Manila Bay, na nagtutulak pabalik ng tubig, ay mahigpit na humahadlang sa pag-agos sa Pasig River.