07/11/2021
Gaano kahalaga ang iyong Kalusugan?
Kadalasan pag tinatanong ko ang ibang tao tungkol dito ang laging sagot nila ay Napaka-halaga.
Pero kung susuriin at titignan mo ang kanilang gawain at lifestyle ay kabaligtaran ng kanilang sinasabi na Napaka-halaga ng kanilang kalusugan.
Ano ang punto ko dito. Minsan kasi huli na at mayruon na tayong matinding Karamdaman o sakit bago natin bigyan pansin ang ating Kalusugan.
Mas inuuna natin ang mga luho ng katawan na hindi naman kailangan. Masyado natin tinitipid ang ating sariling katawan at kalusugan pagdating sa gastusan .
End result lahat ng ginagawang pagtitpid ay mauwi lahat sa wala kapag tayo ay nagkaruon ng matinding Karamdaman o sakit sa pangangatawan😣