14/09/2021
MGA DAPAT IWASAN KAPAG MAY ACID REFLUX...
1. Spicy food
๐๐ฝAng pagkain ng mga maaanghang na pagkain ay masustansya sa calcium at vitamins A and C ngunit kung may hyperacidity umiwas sa mga chili peppers, hot sauces, at mga spicy flavored food.
2. Fried food
๐๐ฝAng mga pritong pagkain at matataas sa trans fats, na nakukuha sa processed food, ay mas mahirap madigest kumpara sa iba dahil sa naidudulot nito sa ating digestive tract. Mabigat at mabagal ang overall digestive process ng mga fried food kaya naman mayroong mga naiiwan na excess acids na maaaring umakyat papunta sa esophagus. Maaari ring maiwan at matigil ng mas matagal sa digestive process ang mga fried fats na kung saan ito ay makakapagdagdag sa pressure sa ating stomach.
3. Coffee
๐๐ฝAng kape ay isang laxative at ang pag-inom nito ay nakatutulong upang makadumi ang isang tao sa tuwing may constipation ngunit nakadadagdag din ang pag-inom ng kape sa paglabas ng gastric acid sa ating tiyan na siyang nagdudulot ng hyperacidity.
4. Alcoholic beverages
๐๐ฝHindi lamang pinapataas ng pag-inom ng alcohol ang gastric acid sa ating katawan, ngunit ito rin ay nagdudulot ng dehydration na lalong makapagpapasama sa kalusugan.
5. Acidic fruits
๐๐ฝAng mga prutas ay masusustansya at nakapagpapalakas ng ating katawan ngunit mayroong mga prutas na dapat iwasan kapag may hyperacidity, partikular na rito ay ang mga acidic fruits. Ilan sa mga prutas na may mataas na acid ay berries, apple, pineapple, at mga citrus fruits tulad ng orange at lemon.
6. Dairy products
๐๐ฝAng gatas ay nakapaglalabas ng excessive acid. Maliban sa pag-inom ng gatas, umiwas din sa pag-kain ng iba pang mga dairy products tulad ng yogurt, ice cream, at cheese.
7. Processed baked goods
๐๐ฝAng mga matatamis na pagkain tulad ng brownies at cookies ay acidic lalo na kung ito ay processed baked goods na kung saan puno ito ng artificial colors at preservatives. Umiwas sa lahat ng klase ng refined white sugar at enriched flour dahil ito ang pinakamataas sa acidity.
๐ซUmiwas sa mga nabanggit na pagkain upang hindi magkaroon ng hyperacidity. Kumain ng mga pagkaing may mababang acid at uminom ng madaming tubig. Mag-practice ng healthy lifestyle tulad ng pag-eehersisyo, pagkain ng tama at sapat lamang sa ating katawan, at pag-iwas sa alcohol, pananagarilyo, at stress.