15/07/2020
Patuloy ang atin pong COVID-19 TESTING (Rapid Test ... and PCR o Swab Test kung mag positive sa rapid o may sintomas antimano) para sa mga Rizalenyo. Tulad ng dati, hindi pa din po tayo tatanggap ng walk-in para maiwasan ang pila at kumpulan. Narito ang LINK para sa ONLINE BOOKING.
https://www.facebook.com/RizalFreeCOVIDTest/
Sundin ang mga hakbang para sa mabilis at ligtas na proseso:
1. I-click ang “Book Now” Button
2. Pumili ng nais na schedule. One (1) client sa loob ng 15 minutes. Ang pagtanggap ng Booking ay Monday to Friday, mula 8:00 am - 4:30 pm.
3. Ibigay ang mga sumusunod na detalye:
a. Complete Name
b. Address
c. Contact Number
d. Valid ID as proof of address in Rizal Province
4. Maghintay ng mensahe na kumpirmado na ang inyong booking, na inyong ipakikita kasama ang valid ID, sa scheduled appointment.
Para sa mga may travel at exposure history sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19, mag text o tumawag sa ating 24/7 COVID-19 Hotline o di kaya ay sa inyong municipal or city health office (MHO o CHO) para kayo po ay magabayan.
Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal ay mayroong COVID-19 Test tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.