12/01/2022
PROTIPS - Jan 12, 2022
The Prize of Perseverance
By Maloi Malibiran-Salumbides
Ang sabi sa Galatians 6:9, "Let us not become weary in doing good, for at the proper time we will reap a harvest if we do not give up."That is the prize of perseverance. Such is the reward of not giving up.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Kung ikaw ay nasa puntong gusto mo ng sumuko sa trabaho mo, sa pag-abot sa iyong goal, o pagtupad ng pangarap mo maging encouragement sa iyo ang mga paalalang ito tungkol sa paghihintay at pagpupursige.
1) Those who persevere will reap a harvest. May nakita ka na bang nagtanim ngayon tapos bukas ay aani na kaagad? Wala hindi ba. Dahil kailangan mo talagang maghintay bago tumubo, lumago at mamunga ang mga binhi na iyong itinanim. Kaya huwag mo ring madaliin ang pag-ani ng yaman o tagumpay. Isipin mo na lang na ang pagpupursige mo sa iyong trabaho o negosyo ngayon ay pagtatanim ng mga binhi ng tagumpay at pag-asenso sa buhay.
2) Hope is realized by those who are diligent. Ang pag-asa dapat ay sinasabayan natin ng pagtitiyaga at kasipagan. Umaasa ka nga pero wala ka namang ginagawa, sa palagay mo ba ay mangyayari ang iyong inaasahan? Magandang ang iyong pag-asa ang magtulak sa iyo na patuloy na gumawa at magtrabaho hanggang sa maabot mo ang iyong career goals. Sa Hebrews 6:11 ay ganito ang sinasabi, "We want each of you to show this same diligence to the very end, so that what you hope for may be fully realized."
3) Victory is for those who stand firm. Bahagi ng perseverance ay ang katatagan na magpatuloy kahit ika'y nahihirapan. Di ka nagpapatangay sa kung ano ang uso o ginagawa ng mas nakararami. You stand firm for what is true and right. Gaya ng paalala sa John 21:19, "Stand firm, and you will win life."
May gantimpalang naghihintay para sa mga nagpupursige sa buhay. Susuko ka na ba? Huwag muna.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!