Metro Bacolod Kidney Center Inc.

Metro Bacolod Kidney Center Inc. To Serve and improve the lives of dialysis patients in Negros Occidental.

19/11/2019

NAKAKASIRA NG KIDNEYS ANG PALAGIANG PAG-INOM NG PAIN RELIEVER

🔴 Ang mga pain reliever na tinatawag na NSAIDs (non-steroidal anti-inflammatory drug) ay kalimitang ginagamit ng marami para pangontra o pantanggal ng mga kirot sa katawan.

🔴 Ilang mga sikat na halimbawa ng NSAIDs ay ASPIRIN, IBUPROFEN, MEFENAMIC ACID, NAPROXEN, DICLOFENAC, CELECOXIB, MELOXICAM, INDOMETHACIN

✅ Ang mga gamot na ito ay LIGTAS AT EPEKTIBO kung ginamit ayon sa tamang dosage. Ang mga pain reliever ay kadalasan PANANDALIAN lamang ginagamit hanggang sa mawala ang kirot.

⚠️Ang PALAGIANG PAGGAMIT ng mga pain reliever na ito (araw-araw o linggo-linggo) sa loob ng mahabang panahon (ilang buwan hanggang taon) ay maaaring magdulot ng PAGKASIRA NG KIDNEYS.

⚠️Ang mga ito ay maaaring maging sanhi ng ACUTE KIDNEY INJURY (ACUTE INTERSTITIAL NEPHRITIS) na maaaring mauwi sa CHRONIC KIDNEY DISEASE kapag hindi naagapan (http://bit.ly/ckdpart01)

⚠️Maaaring silang magdulot ng HYPERKALEMIA o ang pagtaas ng potassium sa dugo, na delikado para sa puso (http://bit.ly/32Ax8CC)

⚠️Pwede ring magkaroon ng NEPHROTIC SYNDROME o ang pagtatapon ng protein sa ihi na maaari ring mauwi sa CHRONIC KIDNEY DISEASE (http://bit.ly/2m6VLYE)

⚠️Ang paggamit ng mga ito sa mga may CHRONIC KIDNEY DISEASE ay maaaring MAGPABILIS LALO ANG PAGKASIRA NG KIDNEYS, lalo na sa may mga diabetes at sa mga matatanda

Tandaan na lahat ng bagay, kapag NASOBRAHAN ay nakasasama. Laging sumangguni o kumonsulta sa inyong doktor ukol sa pag-inom ng mga gamot na ito

06/11/2019
korekong
05/07/2018

korekong

16/12/2017

hahaha pwerti nga tripping hu

01/12/2017

sin.o ang ka relate da hu. batang 90's

10/11/2017

Tornado Effect

Address

18th Aguinaldo Street
Bacolod City
6114

Telephone

(034) 431-1762

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Metro Bacolod Kidney Center Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram