14/05/2022
Magandang Araw! Kumusta po?
Mga Pagkain na Nakakapagpataas ng Uric Acid (Bawal sa May Gout)
Ang hyperuricemia o mataas na lebel na uric acid sa dugo ay nauugnay sa sakit na gout, mga sakit sa puso at diabetes. Nakukuha ang uric acid kapag naproseso ng katawan natin ang purines mula sa ating mga kinakain.
Sobrang taas ng purines/uric acid. Dapat iwasan ng mga may gout.
1. Dilis, tilapya, lapu-lapu, sardinas, tamban, tambakol
2. Karne ng baboy, baka, tupa at gansa
3. Utak ng baboy, baka at iba pang hayop
4. Laman loob (atay, puso) ng baboy at manok
5. Scallops, tahong, talangka, aliimango, talaba itlog ng isda
6. Alak