19/06/2020
Sa panahon ngayon, maraming umaasa sa online selling para mabuhay, kaya tayo bilang mga online shoppers, eto ang ilan sa mga guidelines para maging maayos ang Online Shopping Experience natin.
1. Mag-online shopping lang kung talagang may kailangang bilhin. Yung tipong hindi ka talaga makalabas ng bahay. Hanggat maari, iwasan ang pag online window shopping, baka hindi mo mapigilan ang "Impulse Buying"
2. Kapag may nakitang produkto, BE KIND TO ASK FOR DETAILS. Ayusin ang pakikipag usap sa seller, tandaan PRODUKTO LANG ang binibili mo, HINDI ANG PAGKATAO NG SELLER. (Yung mga seller naman, aba ayusin nyo rin ang pakikipag-usap, wag masungit)
3. Kung may nakita kang produkto tapos walang price, its either lampasan mo na lang at maghanap ng iba or pwede kang magtanong. Hindi yung bida-bida ka pa sa page ng seller na " HOY POST MO PRICE, mag google kapa nung NEWS na SABI NG DTI BAWAL WALANG PRICE tapos ipopost mo pa sa comments. Kung mahuli man sila ng DTI eh problema na nila yun.
Kasi naman mga sellers, i post nyo na ang price para di na galit ang mga online buyers nyo, Magregister na rin kayo sa DTI para mas Legit.
Ngayon kung ikaw ay online shopper na walang puso, mag file ka ng kaso sa DTI, isumbong mo yung seller na hindi nagpopost ng price. Pabida ka eh hahaha.
4. Kung hindi interesado, just ignore, hindi yung mag co-comment ka pa ng kung ano ano, hindi ka naman bibili.
5. Kung wala kang sasabihing maganda, manahimik na lang.
6. Kung pwede lang din, itanong nyo muna sa mga asawa nyo na may balak kayo bilhin online, hindi yung makikipag tawaran ka sa seller, tapos in the end, sasabihin mo, balikan kita sis, tanong ko lang sa asawa ko. (edi sana yung asawa na lang pinakausap mo sa seller)
Alisin na natin yung mindset na 👇
👉🏻Alam ko kung san supplier nian.
👉🏻mura lang yan sa iba eh.
👉🏻Discount naman friend naman tayo.😅
👉🏻Wala naba tawad?😏
👉🏻Ang laki naman ng tubo neto.
👉Wala bang free? 😂
Tandaan👇
🤜🏻Kung overprice wag na bumili
🤜🏻Kung di niyo feel wag na lang din bumili
🤜🏻Kung magsasabe ng di maganda, manahimik na lang.
🤜🏻Kung maselan,wag ng bumili.
👍hindi po natin alam ung pinag dadaanan ng ibang online sellers bago makapag deliver, makapag provide ng puhunan, makapag gawa o maka kuha ng produkto.
👍may kanya kanya po tayong problema at yung iba yan lang ung naiisip nilang legal na paraan para kumita lalo na sa panahon ngayon ng epidemya.
👍maswerte ka kung di ka nag oonline selling para kumita.
👍piliin palaging maging mabuting tao