SFAC-Bacoor Telehealth

SFAC-Bacoor Telehealth This is the official FB page of Saint Francis of Assisi College - Bacoor. Medical and Dental Department

Hello Besties, Let's Beat DIABETES.
05/08/2025

Hello Besties, Let's Beat DIABETES.

⚠️ DIABETES, NANATILING IKALIMANG SANHI NG PAGKAMATAY NG MGA PILIPINO

‼️Ayon sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA, 2024), ang diabetes ang ika-5 na pangunahing sanhi ng mortality sa Pilipinas. Ilan sa mga itinuturong dahilan nito ay ang madalas at labis na pagkain at pag-inom ng matatamis.

Ilan sa mga komplikasyon na maaaring idulot ng diabetes ay:
❤️ Atake sa puso at stroke
👁️ Pagkabulag o problema sa paningin
🦶 Pagkaputol ng paa o bahagi ng katawan (amputasyon)
🩺 Kidney failure

Basahin ang larawan para sa mga dapat gawin upang maiwasan ang diabetes.

Bantayan ang iyong blood sugar, kumunsulta sa inyong health center ngayon!

Isang paalala ngayong Diabetes Awareness Week.




HEP HEP! Alam mo ba kung ano ang HEPATITIS?
05/08/2025

HEP HEP! Alam mo ba kung ano ang HEPATITIS?

Nasa huli talaga ang pagsisisi para sa mga humihithit ng v**e at yosi.
05/08/2025

Nasa huli talaga ang pagsisisi para sa mga humihithit ng v**e at yosi.

NASA HULI TALAGA ANG PAGSISISI PARA SA MGA HUMIHITHIT NG V**E AT YOSI

Paulit-ulit na paalala, hindi pinakinggan. Ngayon, dahil sa patuloy na pagve-v**e at pagyoyosi, nagkaroon ng sakit sa baga at hirap nang huminga.

Bago mahuli ang lahat, makinig. Kumilos. Huminto.

‘Wag magyosi, ‘wag mag-v**e! Para matulungan ka sa pag-quit, tumawag sa DOH Quitline 1558 📞





Protektahan ang ating sarili laban sa sakit na Leptospirosis.
22/07/2025

Protektahan ang ating sarili laban sa sakit na Leptospirosis.

22/07/2025


22/07/2025


🚨 DOH, NAGBABALA LABAN SA LEPTOSPIROSIS NA MAAARING MAKUHA SA BAHA 🚨

Huwag maglaro at iwasang lumusong sa baha. Mapanganib ang mga mikrobyo mula sa mga basura at dumi na maaring magdulot ng leptospirosis. 🦠

Maaaring magkaroon ng komplikasyon sa atay, bato, at puso ang taong mapapasukan ng mikrobyong leptospira sa katawan.

Kung sakaling malulubog sa baha, agad na maghugas ng katawan gamit ang tubig at sabon. Agad ding kumonsulta sa doktor kung lumusong sa baha nang may sugat o kung makararanas ng sintomas tulad ng lagnat at pananakit ng katawan.

Tumawag sa Telekonsulta hotline 1555 (press 2) para sa mabilis na konsultasyon. 📞




22/07/2025

‼️DOH: MAG-INGAT SA PANGANIB NG KURYENTE SA BAHA‼️

Mapanganib na malubog sa tubig na may live wire o saksakan, maging ang
madikit sa mga nakasaksak na appliances na nabasa o nalubog sa tubig. Maaari itong magdulot ng electical shock o pagkakuryente.

Payo ng DOH, iwasang malubog sa baha lalo na kung maaaring may electrical source na nakalubog dito. Patayin ang main switch ng kuryente o circuit breaker.

Anong maaring mangyari sa katawan kapag nakuryente?
🫀Cardiac Arrest - o paghinto ng puso dahil sa kuryente o electrical current

🫁Respiratory Arrest - dulot ng pagkaparalisa ng mga muscles na tumutulong sa paghinga

🧠Internal Organ Damage - maaaring mabilis na maapektuhan ng kuryente ang utak, bato at atay

🫲 Pagkasunog ng balat

🚨Maaaring magsagawa ng CPR sa isang taong nakuryente basta’t masigurong ligtas na ang kapaligiran. Sundin ang S.A.G.I.P. para sa mga hakbang.

Antabayanan din ang mga payo ng DOE: https://www.facebook.com/share/p/1CDA8ctTff/

Stay safe Franciscans.
07/03/2025

Stay safe Franciscans.

Stay hydrated Franciscans.
05/03/2025

Stay hydrated Franciscans.

26/02/2025


⏰Huwag kalimutan araw-arawin ang Alas Kwatro Kontra Mosquito ha!

🦟 Pahirapan ang lamok na Aedes aegypti na magparami

✅ TAOB, TAKTAK, TUYO, TAKIP ng mga lalagyang may laman ng tubig para puksain ang pamahayan ng mga lamok
✅ Linisin ang kapaligiran, lalo na ang mga kalsada at kanal
✅ Gumamit ng insecticide kapag nangangailangan

Kalinisan ang solusyon para maiwasan ang Dengue!

24/02/2025

Address

Bayanan
Bacoor
4102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SFAC-Bacoor Telehealth posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram