24/11/2025
ππ. πππππππ πππππ πππππ
πππππππ ππππ
πππππππ ππππππ ππππππππππ
Ginawaran si Mr. Richard Nixon Gomez ng Climate Hero Award ng Climate Change Commission (CCC) sa pangunguna ni Commissioner Albert P. Dela Cruz. Idinaos ang seremonya noong Nobyembre 23, 2025 sa University of Makati, kung saan kinilala ang mahahalagang kontribusyon ni Mr. Gomez sa pangangalaga ng kalikasan.
Si Mr. Gomez, na Founder at CEO ng BauerTek, ay kilala sa pagiging aktibo sa larangan ng pagtatanim at pakikiisa sa mga proyektong pangkalikasan. Sa pakikipagtulungan sa iba't ibang unibersidad sa Regions 1, 2, & 3, ang BauerTek ay nakabuo ng mga taniman na pinagmumulan kalidad na mga raw materials na ginagamit sa paggawa ng mga pharmaceutical-grade supplements. Ang mga community farms na kanyang itinatag ay nakakatulong sa carbon sequestration ng bansa. Ito ay kailangan upang malabanan ang masamang epekto ng climate change
Sa pamamagitan ng mga proyekto at inisyatiba ni Mr. Gomez, patuloy niyang hinihikayat ang publiko at iba pang institusyon na makiisa sa mga hakbang laban sa climate change at para sa isang mas luntian at mas ligtas na kinabukasan.
Kasama sa mga dumalo ang 19 na kandidata ng Ms Environment International at maging si Apl.De.Ap na nagbigay ng special surprise na mga awit.