15/03/2024
CTTO: andieigengirl; (instagram)
β€οΈ Higit pa sa sapat ang itinira mong pagmamahal para kami ay hindi mangulila. Habang buhay kong dadalhin
ang iyong mga ala-ala. π¦
Maraming salamat sa iyong gabay, Nay.
Sa kahit saang parte ng aking buhay
parati kitang madarama.
Parati kitang makikita.
Ikaβy nasa araw, sa ulan, β
οΈ π§οΈ
at sa hanging aking nilalasap.
Umaawit ng kantang puno π³
ng pag-asa at ligaya.
Wala na ang sakit.
Wala na ang takot.
Matatanaw pa rin kita sa mga ulap, βοΈ
at maririnig ang mga bulong
ng iyong pagmamahal. π
Magkikita din tayong muli.
Sa ngayon diringgin ko muna
ang iyong mga awit. π΅
Nasa paraiso ka na, Nanay. Pahinga ka na.π€