01/01/2026
๐๐๐ฏ๐ข๐ฌ๐ญ๐: ๐๐ฌ๐๐ฉ๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ค๐จ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ง๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐จ๐ง๐ ๐ซ๐๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐ฌ๐๐ค๐ซ๐๐ญ๐จ๐ง๐ โฑ๐๐.๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ฎ๐ง๐, ๐ค๐๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ "โฑ๐๐ ๐๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ฆ๐๐ฌ ๐๐จ๐ง๐ฎ๐ฌ"
Nanawagan si Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste ng transparency sa paggamit ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng Kongreso kaugnay ng โฑ2M โChristmas bonusโ o pondo para sa Christmas activities na natanggap ng mga Kongresista. Ang MOOE, kasama ng suweldo, ay umaabot sa mahigit โฑ20M kada taon para sa mga Kongresista, dahilan upang igiit na may karapatan ang publiko na malaman kung saan napupunta ang ganito kalalaking pondo ng gobyerno.
Dagdag pa ni Leviste, lalo pang nakababahala ang pagtaas ng budget ng Kongreso ng โฑ10.5B nang walang sapat na debate kasama ang โฑ7.8B na pagtaas ng MOOE budget, at dapat ipaliwag kung para saan ito. Iginiit niya na ang anumang paggalaw sa pondo ay dapat dumaan sa bukas na talakayan, lalo para sa kabuuang โฑ18.58 MOOE fund dahil ang mga Kongresista mismo ang nakikinabang sa pagtaas ng sariling mga benepisyo.
(Makikita sa larawan ang mga tsekeng inisyu para sa sahod at MOOE ng opisina ni Cong. Leandro hanggang Oktubre 2025, na hindi niya tinatanggap. Mula sa simula ng kanyang termino, hindi tinatanggap ni Cong. Leandro ang kanyang sahod at MOOE bilang pagtutol sa mga polisiya sa budget ng Kongreso.)