27/11/2025
Liver Cirrhosis ay isang kondisyon kung saan ang atay ay nagkakaroon ng peklat (scarring/fibrosis) dahil sa paulit-ulit na pamamaga o pinsala.
Kapag malala na ang peklat, humihina ang trabaho ng atay tulad ng:
• Paglinis ng lason sa katawan
• Pagtunaw ng taba at pagkain
• Pagbuo ng proteins para sa dugo
• Pagkontrol ng asukal at hormones
Hindi naibabalik ang peklat, pero maaari nating pigilan ang paglala kung maagapan.
⸻
Mga Sanhi ng Cirrhosis
1. Matagal na pag-inom ng alak
2. Hepatitis B o C (chronic infection)
3. Non-Alcoholic Fatty Liver Disease (NAFLD/MASLD) – dahil sa obesity, diabetes, mataas na cholesterol
4. Pag-inom ng hepatotoxic medications (hal. long-term high-dose paracetamol, herbal unknown content)
5. Autoimmune hepatitis
6. Genetic/metabolic diseases – hemochromatosis, Wilson’s disease
7. Bile duct diseases – PBC/PSC
⸻
Mga Sintomas
• Madaling pagkapagod
• Paninilaw ng balat (jaundice)
• Pamamaga ng tiyan (ascites)
• Pamamaga ng paa
• Pangangati
• Pagdurugo ng ilong/gums
• Mental confusion (hepatic encephalopathy)
• Madaling pasa
⸻
Paano Maiiwasan ang Liver Cirrhosis
1. Iwasan ang alak
Kahit kaunti, kung may fatty liver o hepatitis—pwedeng magpalala.
2. Bantayan ang timbang
Iwas obesity, maging physically active 150 min/week.
3. Kontrolin ang diabetes at cholesterol
Kadalasang trigger ng fatty liver.
4. Magpa-bakuna
• Hepatitis B vaccine – proteksiyon sa infection
• Wala pang vaccine para sa Hepatitis C, pero may gamot
5. Iwasan ang pag-inom ng herbal na hindi rehistrado
Maraming herbal na nakakasira ng atay.
6. Gumamit ng sariling personal items
Iwas sharing ng toothbrush, razor → proteksyon sa Hep B/C.
7. Regular na liver check-up
Ultrasound, LFTs (ALT, AST), HBsAg, Anti-HCV kung may risk.
Diet Tips para Maiwasan ang Paglala
• Low salt (