08/11/2025
๐ฃ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ง ๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐จ๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐ก๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐๐ข๐
Mga minamahal kong Bagakeรฑo, sa harap ng bantang dala ng matinding kalamidad na maaaring tumama o lumihis sa ating probinsya, ako po ay taimtim na nananawagan ng pag-iingat, pagkakaisa, at pananalangin.
- Maaaring maging mapanganib ang panahon, kayaโt huwag po nating ipagsawalang-bahala ang mga babala at anunsyo ng MDRRMO at ng ating lokal na pamahalaan.
- Manatili sa ligtas na lugar, ihanda ang mga mahahalagang gamit, at makinig sa mga utos ng inyong barangay.
- Tulong-tulong tayong maging sandigan ng isaโt isa sa panahon ng pagsubok.
Sa ganitong mga oras, ang ating pananalig sa Diyos ang ating pinakamalakas na sandata.
Idalangin natin ang kaligtasan ng ating bayan, ng bawat pamilya, at ng buong Bataan. ๐๐
โAng Diyos ang ating kanlungan at kalakasan, handang saklolo sa oras ng kagipitan.โ