BCMH Prenatal Check up/Schedule

BCMH Prenatal Check up/Schedule Bagac Community and Medicare Hospital Prenatal Scheduling and Check up

02/06/2025

Pabatid:
Pansamantalang walang OPD at check-up ng mga buntis sa Martes, ika-3 ng Hunyo, mula ala-una ng tanghali, upang magbigay daan sa isasagawang Fire and Earthquake Safety Seminar and Drill na dadaluhan ng lahat ng empleyado ng ospital. Tanging kaso na emergency lamang po muna ang matitignan.

Samantala, pinapayuhan ang lahat ng mga buntis na naka-schedule sa araw na ito na makipag-ugnayan sa page para sa bagong schedule o appointment.

Maraming salamat po sa pakikiisa at pang-unawa.

21/05/2025

Para sa kaalaman ng lahat:

Ang unang pagbubuntis ay itinuturing at kabilang sa "high-risk pregnancy" sapagkat mataas ang tyansa na magkaroon ng komplikasyon ang ina o sanggol habang naglelabor. Kung kaya pinapayuhan ang mga ina na sa mas malaking ospital na may espesyalista para sa mga buntis at sanggol magpakonsulta at manganak.

Ang BCMH ay isang infirmary hospital lamang; walang mga espesyalista at sapat na kagamitan para sa mga komplikadong kaso ng pagbubuntis lalo na sa araw ng paglelabor.

Kung kaya simula po sa araw na ito, HINDI na po kami tatanggap ng mga manganganak sa UNANG pagbubuntis. Mas mainam na magpakonsulta sa mga pribadong hospital/clinic na may espesyalista o sa iba pang mas malaking ospital. Ito ay upang masigurado na ang ina at sanggol ay parehas ligtas at walang komplikasyon habang naglelabor hanggang sa makapanganak.

Gayunpaman, tuloy po ang lahat ng nakaschedule o nabigyan ng schedule ng konsulta para sa unang pagbubuntis. Hintayin na lamang po ang abiso ng doktor.

Kaugnay nito, ang lahat ng mga buntis na walang komplikasyon at may planong manganak sa BCMH ay pinapayuhan na magpakonsulta na hindi bababa sa 4. Ito ay upang masubaybayan ng aming mga doktor at masigurado na ligtas ang inyong pagbubuntis.

Maraming salamat po sa pang-unawa.

23/10/2024

PABATID

Dahil po sa sama ng lagay ng panahon, kanselado po muna ang konsulta ng mga buntis ngayong araw, ika-24 ng Oktubre. Magmessage po sa page para sa bagong schedule ng mga nakaschedule dapat ngayon.

Salamat po at ingat po tayong lahat.

Address

Bagac

Telephone

+639688802038

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BCMH Prenatal Check up/Schedule posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to BCMH Prenatal Check up/Schedule:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category