27/07/2025
Ilang oras ka nga ba dapat mag-Fasting bago kuhanan ng dugo sa Bagac Medicare Laboratory?
Narito ang mga kailangang oras ng fasting base sa iyong mga ipapatest...
Para sa request na FBS (Fasting Blood Sugar), 6-8 hours ka lamang dapat na mag-fasting. Oras ng huling kain: 12:00 ng Hating-gabi, Oras na kukuhanan ng dugo: 7:00 ng umaga.
Para sa request na Lipid Profile (Total Cholesterol, Triglycerides, HDL/LDL), 10-12 hours ang kailangang fasting. Oras ng huling kain: 9:00 ng gabi, Oras na kukuhanan ng dugo: 7:00 hanggang 9:00 ng umaga.
Para sa request na FBS kasama ang Lipid Profile, 9 hours ang kailangang fasting. Oras ng huling kain: 10:00 ng gabi, Oras na kukuhanan ng dugo: 7:00 ng umaga.
PAALALA: Ang oras ng aming pagtanggap ng mga fasting specimen ay mula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga lamang, tuwing LUNES hanggang BIYERNES, maliban kung Holiday.
Para sa mga katanungan o sa mas malinaw na alituntunin, maaaring magtungo sa Bagac Medicare Laboratory.
Maraming Salamat po!