04/02/2026
Grabe yung pagod.
Yung pagod na akala ng iba madali lang ang magnegosyo.
Hindi lahat handa sa pagdadaanan ng progress.
Maraming natawa, maraming nagduda sa mga ginagawa ko.
Dumating ako sa punto na tinanong ko ang sarili ko:
โPaano kung tumigil na lang ako?โ
Isa lang ang sabi ng magulang ko:
โItuloy mo lang. Hindi agad makikita ang resulta.โ
Sa umpisa, puro paluwal.
Walang kasiguraduhan.
Walang pumapalakpak.
Pero darating ka rin sa point na makikita mo ang bunga.
Kaya nagpatuloy ako.
At ito na unti-unti nang namumunga ang pinaghirapan.
Ngayon, mas pipiliin kong magpatuloy.
Mas pipiliin kong ma-reject ng marami,
kapalit ng character na mabubuo sa akin.
Mas pipiliin kong magtiis ngayon,
para magkaroon ng oras para sa magulang, kaibigan, at sarili balang araw.
Para sa ating mga negosyante
tara, magpatuloy tayo. ๐ค๐ผ