28/09/2020
Nahihiya kang magtinda?
Ako, degree holder, professional, nagtatrabaho sa isang malaking kumpanya, maayos ang sweldo, may disenteng tirahan, may sasakyan at may ipon (Di po ako nagyayabang ah, pakibasa muna ng buo 😂). Pero araw araw pa rin akong may dalang paninda para makipag meet up at nagpopost para makabenta at kumita ng extra.
Bakit ako mahihiya? Wala naman akong tinatapakang tao tapos kumikita pa ko.
Kaya kung nahihiya ka, ask yourself:
Kaya ka bang pakainin ng hiya mo?
Kaya ba ng hiya mo na bigyan ng magandang future ang pamilya mo?
Kaya ba ng hiya mo na bigyan ka ng magandang buhay habang may sapat kang oras para sa mga mahal mo sa buhay at sa mga bagay na gusto mong gawin? 🤔
Kung hindi, bakit ka mahihiya?
Para umasenso, it's time to change our mindset. Naniniwala akong ang totoong mayaman ay yung mga taong kayang mamuhay sa sarili nilang terms nang walang masyadong inaalala. Hindi na simpleng pagyaman lang ang ginogoal ngayon kundi financial freedom. Yung holistic growth and happiness. Mukha ka ngang may kaya sa paningin ng mga facebook friends mo, pero in reality, gipit na gipit ka naman. Sinong niloloko mo di ba? 🙈
Hindi ko sinasabing sa pagnenegosyo niyo lang ito pwedeng makuha, pero malaki ang porsyento na makakamit mo yun dito. Yun ay kung hindi ka mahihiya. 😊
Just to inspire you more, maraming online sellers ang may milyones sa account kahit hindi brand owners. Tahimik lang, simple, pero kayang maglabas ng 5M ng isang bagsakan para mamuhunan sa isang produkto. Nagsimula sila sa pagiging small time tindera, pero yumaman at kumita. Nakakapagbakasyon kung saan at kung kelan nila gusto. Kaya nilang mag off pag gusto nila. Kaya nilang humataw pag gusto nila. Pero syempre, narating nila yun kasi trinabaho nila at hindi sila nahiya. Kaya again, ask yourself, bakit ka nahihiya? 😉
ctto