19/02/2026
⚠️ Mga Sintomas na Nararamdaman Ko Bago Ako Na-Diagnose ng Breast Cancer
Sharing this not to scare you… but to make you aware. 🫶
Bago ako ma-diagnose, akala ko normal lang ang mga nararamdaman ko. Akala ko pagod lang, hormones lang, stress lang. Pero ito pala ang mga naging early signs ko:
1️⃣ Nangangalay na braso – Parang may bigat at hindi ko maipaliwanag na discomfort.
2️⃣ Pasumpong-sumpong na sakit sa dibdib (breast pain) – Hindi siya everyday, kaya hindi ko masyadong pinansin.
3️⃣ Masakit na likod – Akala ko muscle strain lang.
4️⃣ Hindi pantay na dibdib – May subtle na pagbabago sa shape.
5️⃣ May maliit na sugat na lumalaki habang tumatagal – Hindi gumagaling.
6️⃣ May maliit na bukol na kala ko wala lang… pero lumaki din.
Hindi lahat ng breast cancer may pain. Hindi lahat may obvious na symptoms. Pero kapag may napansin kang pagbabago sa katawan mo — kahit maliit pa yan — pacheck mo na agad.
Mas okay ang maagapan kaysa mahuli.
Mas okay ang sigurado kaysa sa “baka wala lang.”
As a mom, a teacher, and a woman… I’m sharing this because awareness saves lives. 💖
Listen to your body.
Don’t ignore the signs.
And please, magpa-check tayo regularly.
🙏✨