RHU Balatan

RHU Balatan PROMOTE
PREVENT
PROTECT

16/01/2026

‼️ PAGBABAKUNA, PROTEKSYON LABAN SA PAGKA-OSPITAL AT PAGKAMATAY DAHIL SA TIGDAS‼️

16 na batang walang bakuna ang pwedeng mahawahan ang 1 pasyenteng may Tigdas.

Bakuna ang ligtas at mabisang proteksyon.

Pabakunahan ang mga 6-59 months old sa DOH Ligtas Tigdas. Ngayong darating na Lunes, Jan. 19, simula na ang malawakang bakunahan sa Mindanao. Susundan ito sa Luzon at Visayas sa Hunyo.

Magtanong sa inyong health center.




16/01/2026
14/01/2026

‼️DOH, NAGPAALALANG MARAMING SAKIT ANG PWEDENG MAIWASAN KUNG NAGPABAKUNA‼️

Alamin ang mga bakunang pwedeng kunin nang libre sa mga primary care facilities tulad ng LGU health centers at DOH-BUCAS.

Ang mga bakunang ito ay napatunayang ligtas at epektibo para hindi maospital at maiwasan ang nakamamatay na mga sakit.

Mas malaki ang gastos kung magkasakit na pwede namang maiwasan kung magpapabakuna.

Edad 0-12 buwan:
✅ BCG vaccine kontra TB
✅ Hepatitis B vaccine
✅ Pentavalent Vaccine
✅ Oral Polio Vaccine (OPV)
✅ Pneumococcal Conjugate Vaccine (PCV)
✅ Inactivated Polio Vaccine (IPV)
✅ Measles, Mumps, Rubella (MMR) vaccine

School age (9-14 taon):
✅ Grade 1 and 7: Measles Rubella (MR) and Tetanus Diphtheria (Td) vaccines
✅ Grade 4 babae: Human Papillomavirus (HPV) vaccine

Buntis:
✅ Tetanus Diphtheria (Td) vaccine

Senior Citizen (60 taon pataas)
✅ Influenza vaccine
✅ Pneumococcal vaccine





Bago pa man siya ipinanganak, nagsisimula na ang proteksyon ni baby.Sa bawat bakuna ni Mommy, sa bawat checkup, at sa ba...
14/01/2026

Bago pa man siya ipinanganak, nagsisimula na ang proteksyon ni baby.

Sa bawat bakuna ni Mommy, sa bawat checkup, at sa bawat payo mula sa doktor o midwife, unti-unting nabubuo ang depensa laban sa sakit.

Ang mga bakuna tulad ng Tetanus Toxoid (TT), Tetanus-Diptheria-Pertussis (Tdap), at Flu (Influenza) vaccine ay nagbibigay ng proteksyon hindi lang kay Mommy, kundi pati kay Baby sa sinapupunan.

Kapag kumpleto ang alaga at proteksyon sa unang 1,000 araw, mas malaki ang tsansa ng mas malusog, mas ligtas, at mas masiglang paglaki ni baby.

Naniniwala rin ba kayo na pag protektado si Mommy, protektado na rin si Baby? 💕

08/01/2026

Panatilihin ang food safety para happy ang tummy! 🍽✨

Mahalagang masigurong ang pagkain ay malinis at ligtas simula sa paghahanda hanggang sa paghain nito upang maiwasan ang mga foodborne diseases dulot ng kontaminadong pagkain o inumin. Sundin ang mga sumusunod para masiguro ito:

✅ Palaging maghugas ng kamay
✅ Ihiwalay ang mga hilaw at lutong pagkain
✅ Lutuin ang pagkain nang mabuti
✅ Siguraduhing nasa tamang temperatura ang pagkain
✅ Gumamit ng malinis na tubig at kasangkapan sa pagluluto

Sa panahon ng sakuna, tamang paghahanda at pagpili ng masustansyang pagkain ang susi sa ligtas at malusog na komunidad!



09/12/2025
PAISI: Municipal-Wide MOBILE BLOOD DONATIONDecember 9, 2025 — 8AM onwardsVenue: LGU Municipal Covered CourtHinihikayat a...
08/12/2025

PAISI: Municipal-Wide MOBILE BLOOD DONATION
December 9, 2025 — 8AM onwards
Venue: LGU Municipal Covered Court

Hinihikayat ang lahat at pwede kang magdonate o magbigay ng dugo para sa iyong kapwa kung ikaw ay:
✅ Lalake o Babae, ang pagdodonate ay walang pinipiling kasarian o lahi
✅ Nasa tamang/sapat na gulang o edad (18-65 taong gulang), (16-17 taon gulang-nangangailangan ng pahintulot ng magulang o tagapangalaga
✅ May timbang na 50 kilos (110lbs) o mahigit
✅ Nasa mabuting kalusugan at tamang pangangatawan
✅ Hindi nagkasipon o lagnat sa nakalipas na 2 linggo
✅ Hindi naoperahan o nasalinan ng dugo sa nakalipas na 1 taon
✅ Hindi nagpatattoo o nagpahikaw sa nakalipas na 1 taon
✅ Hindi buntis o nagpapasuso ng bata, para sa mga babae
✅ Hindi nabunutan ng ngipin sa nakalipas na 3 araw
✅ Hindi nakagamit ng ipinagbabawal na gamot
✅ Hindi nakainum ng alak o beer sa nakalipas na 12 oras
✅ Hindi nagkaroon ng paninilaw ng mata o balat dulot ng sakit sa atay o Hepatitis
✅ Hindi nagkaroon ng positibo sa test o resulta ng alin mang mga sakit: Hepatitis B, Hepatitis C, Malaria, Syphillis at HIV/2
✅ Walang sakit sa puso, baga o anumang nakakahawa o malalang sakit na maaaring makadulot ng kapahamakan sa iyong katawan o pasyente
✅ Walang gawain masasabing "high risk behavior", at
✅ Walang malalang sakit, cancer o sakit sa dugo

MAGING TAGA SALBAR, MAG DONAR!

I-ready ang inyong Emergency Go Bag upang maging handa sa paparating na bagyong    🎒👜Laman nito ang mga essential kit na...
24/09/2025

I-ready ang inyong Emergency Go Bag upang maging handa sa paparating na bagyong 🎒👜

Laman nito ang mga essential kit na magagamit lalo na tuwing sakuna.

Tingnan ang inyong Go Bag checklist 👇at siguraduhing kompleto ang lahat ng kailangan. ✅

ALAMIN ang dapat gawin Bago, Habang at Matapos ang isang bagyo o bahaBago bumagyo o bumaha-I-check ang mga parte ng baha...
24/09/2025

ALAMIN ang dapat gawin Bago, Habang at Matapos ang isang bagyo o baha

Bago bumagyo o bumaha
-I-check ang mga parte ng bahay. Ayusin
ang mga sirang bahagi
-Ibaba ang mga babasaging gamit sa sahig
-Maghanda ng Emergency Go Bag o E-Balde
-Makinig sa radyo o TV para sa mga balita tungkol sa bagyo
-Alamin ang mga emergency numbers na maaaring tawagan
-Alamin kung saan ang evacuation center sa inyong lugar

Habang Bumabagyo o Bumabaha
-Makinig sa radyo o TV ukol sa balita tungkol sa bagyo
-Huwag hayaan ang mga bata na maglaro sa ulan
-Ihanda ang mga pagkain upang hindi ito masira
-Uminom lamang ng malinis na tubig. Kung hindi sigurado, pakuluan ito hanggang dalawang minuto
-Huwag buksan ang mga kagamitang nabaha tulad ng gas o electrical appliances
-Kung hindi kinakailangan, huwag lumabas ng bahay
-Mag ingat sa mga lumilipad na bagay
-Huwag pumunta sa tabing-ilog o dagat, pati sa mga lugar na maaaring mag- landslide
-Tumawag o humingi ng tulong kung nasugatan
-Iwasan ang mga lugar na may baha. Maaari itong makakuryente o magdulot ng sakit.
-Mag evacuate kung kinakailangan. Sundin ang protocol ng inyong barangay.

Pagkatapos bumagyo o bumaha
-Magsuot ng protective equipment tulad ng gloves at bota. Suriing mabuti ang inyong bahay bago bumalik dito
-Mag ingat sa mga hayop na maaaring nakapasok sa loob ng inyong bahay.
-Ireport agad kung mayroong sirang electrical cable o linya ng telepono
-Huwag buksan ang main power switch o magsaksak ng electrical appliances. Tumawag muna sa isang electrician.
-Suriin ang mga pagkain at itapon ang mga nasira dahil sa baha.

Maging mapagmatyag at laging handa sa sakuna.

Buntis Congress 2025
06/09/2025

Buntis Congress 2025

04/09/2025

📣 ANUNSYO MULA SA RHU BALATAN 📣

Sa lahat po ng aming minamahal na kliyente:

Paki-abiso po na wala munang regular na konsultasyon o check-up sa RHU Balatan bukas, Setyembre 5, 2025 (Biyernes) dahil sa gaganaping BreastFeeding Awareness Activity.

✅ Tanging mga emergency cases lamang ang aming tatanggapin sa araw na ito.
✅ Ang regular na serbisyo ay magbabalik sa Lunes, Setyembre 8, 2025.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na pagtitiwala.

🤱Exclusive breastfeeding can save over half a million children’s lives every year worldwide.Breastmilk provides complete...
05/08/2025

🤱Exclusive breastfeeding can save over half a million children’s lives every year worldwide.

Breastmilk provides complete nutrition in the first six months of life. It protects against infection, undernutrition, and reduces the risk of obesity later in life. Because it is produced and delivered naturally without the need for packaging, fuel, or clean water, it stays safe in emergencies and leaves no environmental waste.

In Taguig City, more than 250 mothers from Metro Manila joined the Department of Health (Philippines)’s Yakap Hakab event to promote exclusive breastfeeding and proper complementary feeding. At six months, babies need age-appropriate solid food while continuing to breastfeed.

UNICEF reaffirms its commitment to work with the Philippine government and partners to build sustainable support systems that make breastfeeding possible. Through stronger policies, better counselling, and support for frontline workers, more mothers can breastfeed and more babies can survive and thrive. 🩵



©UNICEFPhilippines/2025/CJ Peradilla

Address

Zone 7 Duran Balatan, Camarines Sur
Balatan
4436

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU Balatan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram