RHU BALER

RHU BALER Medical/Health

📣 PAALALA SA PUBLIKOAng Baler Rural Health Unit ay pansamantalang magsasara sa Disyembre 2–5, 2025 dahil ang lahat ng am...
24/11/2025

📣 PAALALA SA PUBLIKO
Ang Baler Rural Health Unit ay pansamantalang magsasara sa Disyembre 2–5, 2025 dahil ang lahat ng aming kawani ay sasailalim sa Basic Life Support at Standard First Aid Training, bilang bahagi ng pagpapahusay ng aming serbisyong pangkalusugan at requirements para sa renewal ng Birthing Facility.

Magbabalik-operasyon kami sa Disyembre 9, 2025.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta. 💙🏥

In moments like this 😊
09/11/2025

In moments like this 😊

🌧️ RHU Baler on Duty, Kahit sa Gitna ng Bagyo! 💪🇵🇭Kabilang sa aming tungkulin ang pagtiyak na ligtas at maalagaan ang ka...
09/11/2025

🌧️ RHU Baler on Duty, Kahit sa Gitna ng Bagyo! 💪🇵🇭

Kabilang sa aming tungkulin ang pagtiyak na ligtas at maalagaan ang kalusugan ng bawat mamamayan — kahit sa gitna ng Super Typhoon Uwan. 🌪️

Ngayong araw, bumisita ang RHU Baler Team sa evacuation center upang masuri at matugunan ang pangangailangang medikal ng mga evacuees. 🩺
👉 43 katao ang nabigyan ng medical commodities tulad ng antihypertensive, antidiabetic, at paracetamol.
👩‍🍼 Isang postpartum patient na nakaranas ng pagkahilo ay agad ding nabigyan ng atensyong medikal.

Ang RHU Baler ay patuloy na naglilingkod, handang umagapay sa bawat mamamayan — sa kahit anong panahon, sa gitna man ng unos. 💚🌧️

💉 Mag-ingat sa Influenza-Like Illness (ILI)! 🤧Panahon na naman ng ubo’t sipon! Ang Influenza-Like Illness ay karaniwang ...
21/10/2025

💉 Mag-ingat sa Influenza-Like Illness (ILI)! 🤧

Panahon na naman ng ubo’t sipon! Ang Influenza-Like Illness ay karaniwang may sintomas na lagnat, ubo, pananakit ng lalamunan, katawan, at minsan ay sipon o pananakit ng ulo.

🧼 Mga paalala para makaiwas:
✅ Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.
😷 Takpan ang bibig at ilong kapag umuubo o bumabahin.
🏠 Iwasan muna ang matataong lugar kung may nararamdamang sintomas.
💪 Magpabakuna laban sa trangkaso kung available sa inyong mga Barangay Health Center.

Tandaan: Ang kalusugan ay kayamanan!
Kung may sintomas, magpatingin agad sa pinakamalapit na health center para sa tamang payo at lunas. 🏥

📣ALERTO SA HFMD! Ang Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) ay isang viral infection na karaniwang tumatama sa mga sanggol...
08/10/2025

📣ALERTO SA HFMD!

Ang Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) ay isang viral infection na karaniwang tumatama sa mga sanggol at batang may edad 0–5, pero maaari ring magkasakit ang mas matanda.

🛡️ Paalala:
✅Ugaliing maghugas ng kamay para iwas HFMD!
✅Ang HFMD ay mabilis kumalat sa pamamagitan ng laway, plema, at gamit ng may sakit.
✅Kung may lagnat, singaw sa bibig, o pantal sa kamay,palad, paa at talampakan, kumonsulta sa doktor para sa tamang pag-aalaga.
✅Magpahinga at iwasan muna ang pakikisalamuha sa ibang tao para hindi makahawa.

📣 Protektahan ang pamilya at komunidad. Ibahagi ang impormasyong ito!

25/08/2025
Tayo naman sa mga susunod na araw. Antabayanan lang ang schedule ng pagbabakuna sa inyong pambublikong paaralan.
01/08/2025

Tayo naman sa mga susunod na araw. Antabayanan lang ang schedule ng pagbabakuna sa inyong pambublikong paaralan.

📣 Isang tulog na lang! 🩺💉Simula na bukas ang Bakuna Eskwela o School-Based Immunization Program sa ating bayan! Layunin ...
31/07/2025

📣 Isang tulog na lang! 🩺💉
Simula na bukas ang Bakuna Eskwela o School-Based Immunization Program sa ating bayan! Layunin nitong maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa mga sakit gaya ng tigdas, tetano, human papiloma virus at iba pa.

🎒👧🧒 Antabayanan ang iskedyul ng pagbabakuna sa inyong paaralan. Huwag kalimutang dalhin ang parental consent form.

📌 Maging handa, magpabakuna, at manatiling malusog para sa kinabukasan!




During the Municipal Nutrition MonthCelebration 2025Local Government Unit of Baler
31/07/2025

During the Municipal Nutrition Month
Celebration 2025

Local Government Unit of Baler

Photo after passing my practicum 😊Dr. Jessica Leaño Gaoat, MD, FPOGS, FPCSMO IV, Family Planning Section Head, Dr PJGMRM...
24/07/2025

Photo after passing my practicum 😊

Dr. Jessica Leaño Gaoat, MD, FPOGS, FPCS
MO IV, Family Planning Section Head, Dr PJGMRMC
Dr Arlene Arriola, MD, FPOGS
MO IV
Dr Paula Cabanag , MD, FPOGS
MO IV
Dr Janice Lopez, MD, POGS Junior Member
MO IV
Bernadette P. Solidum, RN
Dr PJGMRMC, Family Planning Nurse, Nurse Supervisor I

The RHU Baler is now ready to accept clients for PSI (Progestin Subdermal Implant).
See you and have a good family planning 😊

🩺📚 BAKUNA ESKWELA 2025 📚🩺Mga magulang, tagapag-alaga, at mga katuwang sa kalusugan—panahon na para protektahan ang ating...
18/07/2025

🩺📚 BAKUNA ESKWELA 2025 📚🩺
Mga magulang, tagapag-alaga, at mga katuwang sa kalusugan—panahon na para protektahan ang ating mga anak!

Ngayong Agosto 2025, isasagawa na ang Bakuna Eskwela, isang school-based immunization program ng DOH at DepEd katuwang ang RHU BALER na layuning bigyan ng bakuna laban sa tigdas, rubella, tetanus, diphtheria, at cervical cancer ang mga mag-aaral sa Grade 1, Grade 7 at Grade 4 sa pampublikong paaralan.

💉 Ang pagbabakuna ay ligtas, libre, at epektibong proteksyon para sa mas malusog na kinabukasan ng ating mga kabataan.

✅ Suportahan natin ang Bakuna Eskwela! Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat batang Pilipino.

Address

Baler
3200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU BALER posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to RHU BALER:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram