Nueva Vizcaya Provincial Hospital - NVPH Public Health Unit

Nueva Vizcaya Provincial Hospital - NVPH Public Health Unit NVPH OFFICIAL FACEBOOK PAGE. Nvph Hospital - FB Account

22/10/2025

‼️”TRANGKASO BYE-BYE!” CAMPAIGN KONTRA FLU, INILUNSAD NG DOH‼️

Maghugas ng Kamay, Trangkaso Bye-Bye!
Magpahinga sa Bahay, Trangkaso Bye-Bye!
Kumain ng Prutas at Gulay, Trangkaso Bye-Bye!—ito ang mensahe ng DOH sa kampanya nitong “Trangkaso Bye-Bye” na inilunsad bilang bahagi ng tamang edukasyon sa pag-iwas sa trangkaso o flu.

Nauna nang inihayag ng DOH na bagamat walang outbreak, nasa flu-season pa rin ang bansa mula sa panahon ng tag-ulan nitong Hunyo hanggang sa kasalukuyang pagpapalit ng monsoon season papuntang Amihan.

Batay sa latest surveillance ng DOH, nakapagtala ng 6,457 kaso ng Influenza-Like Illness (ILI) mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 11, 2025, na 25% mas mababa kumpara sa 8,628 kaso sa kaparehong panahon noong 2024.

Ang ILI ay isang matinding impeksyon sa paghinga na dulot ng mga virus tulad ng Influenza A at B, Respiratory Syncytial Virus (RSV), at Rhinovirus.

Sentro sa kampanyang Trankaso Bye-Bye! ang mga simpleng gawain para makaiwas sa pagkakasakit.




22/10/2025
22/10/2025
The “Hospital Safe from Disaster” Training was successfully held at the Isolation Facility of Nueva Vizcaya Provincial H...
20/10/2025

The “Hospital Safe from Disaster” Training was successfully held at the Isolation Facility of Nueva Vizcaya Provincial Hospital on October 13–17, 2025.

Led by Dr. Armil P. Fragata, DRRM-H Manager of NVPH, the week-long activity strengthened the hospital’s preparedness, response, and recovery capacities during emergencies.

Facilitators Dr. Vergil Leo C. Esquivel, Dr. Merrill Hans S. Bayubay, Engr. Karl Michael L. San Pedro, Engr. Riza Joy N. Baggao, SO2 Leonard B. Lamorena, and Mark Jhonnel F. Simangan shared their expertise in hospital emergency management, mass casualty response, and DRRM.

The training was a vital step in promoting a culture of safety and resilience within NVPH.

08/10/2025
📢 PAALALA SA PUBLIKOIpinapaalam po namin na ang Nueva Vizcaya Provincial Hospital (NVPH) ay opisyal nang PhilHealth Accr...
08/10/2025

📢 PAALALA SA PUBLIKO
Ipinapaalam po namin na ang Nueva Vizcaya Provincial Hospital (NVPH) ay opisyal nang PhilHealth Accredited sa ilalim ng YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program) OUT-PATIENT SERVICES! 🎉
Maari na po kayong magparehistro sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod na paraan:
✅ PhilHealth Member Portal
✅ eGOV
✅ NVPH – Walk-in Registration
✅ PhilHealth Customer Assistance, Relations and Empowerment Staff (PCARES) na nakatalaga sa mga ospital
Kami ay opisyal na YAKAP Provider! 💚
Magparehistro na at maging bahagi ng programang nagbibigay proteksyon sa kalusugan ng bawat Pilipino.
Kung nais niyo po na ang NVPH ang inyong magiging provider, piliin lamang ang NUEVA VIZCAYA PROVINCIAL HOSPITAL.

04/10/2025

‼️THYROID CANCER, PWEDENG MAGAMOT KUNG MAAGANG NA-DETECT‼️

Halos 90% ang 5-year survival rate ng mga taong na-diagnose ng may thyroid cancer, lalo na kung ito ay nadetect nang maaga.

Ang mga bukol sa leeg at iba pang sintomas ay hindi dapat ipagsawalang-bahala. Magpakonsulta kaagad sa inyong healthcare worker para magabayan sa angkop na gamutan.

May available na financial assistance ang DOH para sa mga pasyenteng may thyroid cancer: https://linktr.ee/DOHCancerSupport

Source: American Cancer Society




04/10/2025

Alam mo ba ang 7 Healthy Habits na makatutulong para maging mas malusog at masigla ang iyong pangangatawan?

Sa PinaSigla Family Health Fair, matutunan at masusubukan mo mismo ang bawat isa!

✅ Move More, Eat Right
✅ Be Clean, Live Sustainably
✅ Get Vaccinated
✅ Don't Smoke and Don’t V**e, Avoid Alcohol, Say No to Drugs
✅ Care for Yourself, Care for Others
✅ Practice Safe S*x
✅ Do No Harm, Put Safety First

Isama na ang buong pamilya, kaibigan, barkada, at sabay-sabay mag-flex ng PinaSiglang kalusugan.

Kita-kits sa:

📍 Burnham Green, Luneta Park
📅 October 4–5

MAGREGISTER NA: https://luma.com/ut0p2ii5





04/10/2025

‼️FAMILY PLANNING, ISINUSULONG NG DOH‼️

Isinusulong ng DOH ang family planning sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon tungkol sa mga opsyong ligtas at epektibo depende sa kailangan ng mag-asawa:

✅Short-term – condom, pills, injectables
✅Long-term – implants, IUD
✅Permanent – ligation, vasectomy




22/09/2025

DOH: 48 SUGATAN DINALA SA JRRMMC MATAPOS ANG GULO SA MENDIOLA; 1 NASAWI, LAHAT SAKOP NG ZERO BALANCE BILLING

Umabot sa 48 katao ang dinala sa DOH-Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC) matapos ang kaguluhan sa pagitan ng mga di pa kilalang elemento na sumabay sa kilos protesta, at kapulisan kahapon sa Recto, Manila.

Sa tala ng DOH-JRRMMC, 2 pulis ang nagtamo ng minor injuries (laceration at pasa sa katawan) at agad ding nakalabas matapos gamutin. Samantala, isang hindi pa nakikilalang lalaki naman ang kumpirmadong nasawi na idineklarang dead on arrival dahil sa tinamong saksak.

Mayroon ding 6 na iba pang pasyente ang nagtamo ng iba’t ibang sugat kabilang ang hiwa sa paa, eye trauma, head trauma, injury sa ugat ng kaliwang braso, gunshot wound, at matinding sugat sa braso. Apat sa kanila ay nakalabas na matapos gamutin, habang dalawa ang kasalukuyang naka-admit para sa karagdagang gamutan.

Bukod dito, 39 pang raliyista ang sumasailalim ngayon sa physical examination bilang bahagi ng proseso bago sila dalhin sa kulungan. Wala namang agarang panganib sa kanilang kalusugan.

“Tinitiyak ng DOH na sakop pa rin ng Zero Balance Billing ang mga pasyenteng ito, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na tiyakin ang maagap at dekalidad na serbisyong medikal para sa lahat ng Pilipino,” ani Health Secretary Teodoro J. Herbosa.




Address

Bambang
3702

Telephone

+639563012318

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nueva Vizcaya Provincial Hospital - NVPH Public Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Nueva Vizcaya Provincial Hospital - NVPH Public Health Unit:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category