KCP-Bambang Health Services

KCP-Bambang Health Services committed to promoting the health, safety, and well being of students, faculty and staff

27/11/2025

‼️ SA BAWAT SIGARILYONG HINIHITHIT, KALUSUGAN NG BAGA ANG KAPALIT ‼️

Ang paninigarilyo ay ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng Chronic Obstructive Pulmonary Disease o COPD ng 7 sa bawat 10 pasyente.

Ang COPD ay isang sakit na nagdudulot ng pagbara sa daluyan ng hangin. Ang pagkakaroon ng COPD ay nagpapataas ng tsansa na magkaroon ng kanser sa baga, sakit sa puso at iba pa.

✅ Tumawag sa DOH Quitline 1558 para matulungan kang itigil ang paninigarilyo and pagvavape.
✅ Kumonsulta sa pinakamalapit na Smoking Cessation Counselling Clinic sa inyong lugar

'Wag magyosi! 'Wag magvape!

Source: World Health Organization




27/11/2025
06/11/2025
28/10/2025

🌬️ NARITO NA ANG AMIHAN SEASON! ❄️

Sa malamig at tuyong simoy ng hangin, maging handa laban sa trangka*o, sipon, pulmonya, allergic rhinitis, at panunuyo ng balat.

Paalala ng DOH para manatiling malusog ngayong panahon ng Amihan:
🤲 Regular na maghugas ng kamay
😷 Manatili sa bahay kung may sintomas, o magsuot ng face mask
💧 Uminom ng maraming tubig
🧴 Magpahid ng moisturizer o lotion araw-araw




📍
21/10/2025

📍

🚨🚨🚨
21/10/2025

🚨🚨🚨

21/10/2025
21/10/2025

‼️KASO NG INFLUENZA-LIKE ILLNESS, BUMABA SA UNANG DALAWANG LINGGO NG OKTUBRE; DOH, NILINAW NA WALANG OUTBREAK‼️

Nakapagtala ang DOH ng 6,457 na ka*o ng ILI sa bansa mula September 28 hanggang October 11, 2025. Mas mababa ito ng 39% kumpara sa sa naitalang 10,740 na ka*o sa linggo ng September 14 hanggang September 27, 2025.

Bagamat maaari pang magbago dahil patuloy ang surveillance, mas mababa rin ito ng 25% kaysa sa naitalang 8,628 na ka*o sa parehong panahon noong 2024.

Una nang nilinaw ni DOH Secretary Ted Herbosa na walang outbreak at hindi kakailanganin ng anumang lockdown dahil sa Influenza-Like Illness o ILI.

Gayunpaman, paalala ng DOH:
✅ Ugaliin ang regular na paghuhugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon;
✅ Takpan ang bibig o ilong kapag uubo o babahing; at
✅ Sapat na tulog, pagkain nang tama, at pag-inom ng maraming tubig.

Kung makaranas ng mga sintomas tulad ng lagnat, ubo, o pananakit ng lalamunan o katawan:

✅Manatili muna sa bahay upang maiwasan ang pagkahawa ng iba;
✅Maaaring uminom ng gamot para maibsan ang nararamdamang sintomas, gaya ng paracetamol kung may lagnat; at
✅Agad kumonsulta sa pinakamalapit na health center, pasilidad, o ospital para sa tamang payo at angkop na gamutan.

Balikan ang PinaSigla Episode 12 dito:
📌 https://www.facebook.com/share/v/1ACa2xdxk9/?mibextid=wwXIfr

📌 https://youtu.be/1kaJdbQEOtw?si=l5qqV4MEXl5j1F4N





29/09/2025

❗ RESPONSIBLE PET OWNERSHIP, PARAAN PARA MAIWASAN ANG PANGANIB NG RABIES❗

Nasa 260 na ang ka*o ng rabies sa bansa mula January hanggang September 20, 2025. Nasa 95% ng mga ka*ong ito ay kinasasangkutan ng mga hayop na hindi bakunado o may unknown vaccination status.

Paalala ng DOH na pabakunahan taun-taon ang inyong alaga bilang proteksyon ng inyong alaga at ng inyong sarili laban sa rabies virus.

Ilan pa sa paalala ng DOH:
✅ Irehistro ang mga a*o at pusa sa inyong barangay.
✅ ’Wag hayaang gumala nang walang bantay ang mga alaga.
✅ Magpatingin agad sa Animal Bite Treatment Center kung makagat o makalmot ng alagang hayop.




Address

Magsaysay Hill, Bambang, Nueva Vizcaya
Bambang
3702

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KCP-Bambang Health Services posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram