30/09/2025
❗ RESPONSIBLE PET OWNERSHIP, PARAAN PARA MAIWASAN ANG PANGANIB NG RABIES❗
Nasa 260 na ang ka*o ng rabies sa bansa mula January hanggang September 20, 2025. Nasa 95% ng mga ka*ong ito ay kinasasangkutan ng mga hayop na hindi bakunado o may unknown vaccination status.
Paalala ng DOH na pabakunahan taun-taon ang inyong alaga bilang proteksyon ng inyong alaga at ng inyong sarili laban sa rabies virus.
Ilan pa sa paalala ng DOH:
✅ Irehistro ang mga a*o at pusa sa inyong barangay.
✅ ’Wag hayaang gumala nang walang bantay ang mga alaga.
✅ Magpatingin agad sa Animal Bite Treatment Center kung makagat o makalmot ng alagang hayop.