19/09/2025
PuroKalusugan sa Purok Gumamela, Barongis, Libungan
Ngayong araw, matagumpay naming isinagawa ang PuroKalusugan sa Purok Gumamela, Barongis, Libungan. Sa pamamagitan ng isang information drive, naipaliwanag namin ang 10 prayoridad na programa ng PuroKalusugan sa mga residente.
Kabuuang 50 kliyente ang na-assess para sa PhilPEN risk assessment at Random Blood Sugar (RBS) testing. Nakapagsilbi rin kami sa 2 buntis para sa prenatal checkup, 2 bagong panganak para sa family planning, at 15 batang isinailalim sa deworming, Operation Timbang, at feeding program.
Nagbigay din kami ng libreng maintenance na gamot sa 25 senior citizen at 20 non-senior na residente, habang 15 bata ang nabigyan ng libreng bitamina.
Kasama rin sa aktibidad ang isang Road Safety Lecture para sa 15 motorcycle drivers upang mapalawak ang kaalaman sa ligtas na pagmamaneho.
Lubos ang aming pasasalamat sa mga Barangay Health Worker ng Barongis, sa Purok Leader ng Purok Gumamela, at sa BLGU Barongis Council sa kanilang buong suporta at pagtutulungan upang maging matagumpay ang aktibidad na ito.