27/12/2025
๐ญ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐ ๐ซ๐๐. ๐น๐๐๐๐!
Sa kanyang pagnanais na makatulong sa ating mga kababayan sa ikalawang distrito ng Batangas, muling nagbahagi ng tulong pinansyal ang ating Board Member Dra. Reina ngayong araw, ika-27 ng Disyembre 2025 na ginanap sa Batangas Province Events Center.
Isanglibong kababayan natin ang pinagkalooban ng financial assistance na hiniling ng ating Bokala buhat sa opisina nina Senator Alan Peter at Pia Cayetano na naipagkaloob naman sa pamamagitan ni former Deputy Speaker at Congressman Ranie Abu. Kinatawan ni Chief of Staff Jenny Aguilera ang ating Bokal Dra. Reina sa naturang aktibidad. Ito ay naisakatuparan sa pakikipag ugnayan ng Department of Social Worker and Development sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ni Governor Vilma Santos Recto.
Isa itong patunay na hindi tumitigil ang ating Bokal Dra. Reina sa paghahanap ng makabuluhang programa at proyektong makakatulong magpagaan ng pasanin ng ating mga kababayan.