Talumpok Global and Smart Healing Community

Talumpok Global and Smart Healing Community A vision to share the Filipino life’s philosophy with all the people from other nations.

So that all around the world we can build a big family of humanity and feel at home.

Protokol Bilang 10: YAMAN NGA GANG KINUHA SA MASAMANG PARAAN?Makatarungan pa kayang magpatuloy ang naratibang kagaya nit...
21/12/2025

Protokol Bilang 10: YAMAN NGA GANG KINUHA SA MASAMANG PARAAN?
Makatarungan pa kayang magpatuloy ang naratibang kagaya nito?
Sininop ni Edgar C. Lontok
18 Disyembre 2025

Ang letrato na nasa post na ito ay opisyal na larawan sa panahon ng ikalawang termino (1969) ni dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos. Hinihiram natin ito mula sa commons.wikimedia.org na nasa public domain.

Sa nakaraang Protokol ay mayroon na tayong apelyidong Tallano na nasumpungan. Dito sa lathalain ng Contact Phoenix Journal Review Volume 47, Number 12 na inilathala noong ika-9 ng Agosto 2006 na idinudulog natin ngayon sa mga nais magbasa ay mayroon namang banggit tungkol sa Tallano Foundation. Sabi dito: “One thing that raises eyebrows as people examine the information regarding the Tallano Foundation is the mention of hundreds of thousands of TONS of gold.”
(Ang isang bagay na nakapagpapataas ng mga kilay habang sinusuri ng mga tao ang impormasyon tungkol sa Tallano Foundation ay ang banggit sa mga daang libong tonelada ng mga ginto.)
“In this piece we will present the case for there being almost TWO MILLION METRIC TONS OF GOLD in the Philippines…”
(Sa bahaging ito ay ilalatag natin ang aralin/usapin para sa pagkakaroon ng halos dalawang milyong metriko toneladang ginto sa Pilipinas.)


https://www.yumpu.com/en/document/view/25301458/contact-phoenix-journal-review-060809-phoenix-source-

Noong 1478 daw ang mga Muslim mula sa tangway (Malayan Peninsula) ay tumawid sa Kipot ng Malaka (Malacca Strait) at nasakop ang Java, ang kabisera ng Emperyong Madjapahit. Pagkatapos, ay nagkawatak watak ang Malay/Srivijaya/Madjapahit. Sa lugar nito ay naitatag ang relihiyosong pamahalaang Muslim, inagurahan ang pamiminuno ng mga Kasultanan.

Ang pamilya ng mga Maharajah at mga Rajah, ang Tagean ang namamahala noon sa Emperyong Madjapahit. Pinagsama-sama nila ang kanilang posisyon sa isang grupo ng 7169 mga isla, kilala bilang Maharlika (ngayon ay Pilipinas). Dahil sa pagiging inapo ng dugong bughaw na Malay, ang pamilya ng Tagean ay may bahagi sa kapangyarihan, kapamahalaan at mga yaman mula sa naipong mga buwis sa panahon ng anim na raang taon ng pamamahala sa emperyo, at maging dalawang milenyang mas maaga pa noong mayroong pakikipagkalakalan kay Haring Solomon ng Israel.”

“ Ang maharajah at kaniyang mga anak, ang mga rajah, ay namuno sa Maharlika gamit ang kanilang mga batas, ang Kodigo ng Kalantiaw. Ang Maharlika ay napakayaman at yumayabong na bansa. Noong mga unang ikalabing anim na siglo, ang namiminunong maharajah ay si Luisong Tagean, na mayroong 720,000 metriko toneladang ginto na itinago niya sa pangkasalukuyang panahon na Kota Kinabalu, Sabah o Hilagang Borneo. Noong panahong iyon, ang Sabah ay bahagi ng Maharlika.”

Si Maharajah Luisong Tagean o Haring Luisong Tagean ay tumira sa Distrito ng Lamayan na kilala ngayon bilang Malacanang. Kasal siya kay Margaret Acuna Macleod at nabuhay ng 270 taon. May siyam siyang mga anak na lalaki. Si Rajah Lapulapu Tagean ay namuno sa Mactan. ( Noong mabasa ko ito, sabi ko sa sarili ko ay may apelyido pala si Lapulapu. Nagtataka nga ako bakit isa lamang ang kinagisnan nating pangalan ni Lapulapu samantalang karaniwan ay marami ang pangalan ng isang Muslim dahil isinasama rin ang pangalan ng ama,lolo at angkan). Si Rajah Soliman Tagean (naging asawa ni Princess Dayang-dayang Kiram) ay namahala sa Maynila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at probinsiya ng Karilaya ngayon ay Quezon. Kaya ang mga taga CALABARZON pala ay nasa kaniyang pangangasiwa. Ang Tondo ay pinamahalaan ni Rajah Lakandula Tagean samantalang ang Silangang Quezon, Mauban, Sampaloc at Lukban ay nasa ilalim ni Rajah G*t Mauban Tagean. Si Rajah Baginda Tagean ay namahala sa Bohol at si Rajah Kabingsuran Tagean ang sa Timog Mindanao. Ang Limasawa ay nasa pangangalaga ni Rajah Kolambo Tagean at ang Cebu ay nasa pamiminuno ni Rajah Humabon Tagean. Ang ibang bahagi ng Bohol ay nasa pangangasiwa ni Rajah Sikatuna Tagean.

Si Rajah Soliman ng NCR at CALABARZON(sa madali at praktikal na salita, sa mga sakop na lugar niya sa ngayon) ay may anak na si Prince Lacan Acuna Macleod Tagean. Inampon daw siya ng kaniyang lola na si Margaret Macleod Tagean. Isinilang siya sa panahon ng Kastila noong ika-17 ng Disyembre 1686. Upang mas madali niyang maisulong ang mga gawain niya laban sa mga mananakop, kaniyang pinalitan ang apelyidong Tagean ng Tallano.
Kaya naging Prince Lacan Acuna Macleod Tallano at 178 na taon siya nabuhay. Noong 40 taon siya ay ay pinakasalan niya si Princess Elizabeth Overbeck Macleod ng Austria. At naging anak niya si Prinsipe Julian Macleod Tagean-Tallano.

Ang abuso sa paggamit sa lupa pati ang kalupitan sa mga katutubong Pilipino ang naging mitsa ng paglaban ng mga Pilipino sa mga Kastila. Pagkatapos ng pagsuko ng mga Kastila sa Maynila, ipinag-utos daw ng pamahalaang Britanya sa pangunguna ni Gen. Dawson Draper na pawalang bisa ang Kasulatan ng Pag-okupa (Deed of Occupation) ng Maharlika(kagaya ng binalangkas ni Padre Andreas Urdaneta noong ika-7 mg Disyembre 1565) na nagdideklara sa buong kapuluan bilang pag-aari ni Haring Felipe II ng Espanya. Bilang kapalit ay iginuhit ni Gen.Draper ang dokumento na kumikilala kay Rajah Lacan Macleod Tagean Tallano bilang lehitimong tagapagmana ng Maharlika. Siya ay apo ni Maharajah Luisong Tagean.

(Nagtingin ako sa internet pero wala akong makitang Gen. Dawson Draper)

Ang dokumento raw ng mga Briton ay nagbawal sa pag-angkin ng Espanya dahil sa pisikal na pananakop sa Maharlika. Kinilala ng sa mga Britong OCT 01-4 PROTOCOL ang pag-angkin ng Tagean Royal Family na sila ay tumira at namahala sa mga islang ito mula pa noong matagal na panahon. Ang naging bunga, ipinagkaloob ng dokumento ang buong kapuluan sa orihinal na may-ari, ang Tagean Royal Family na kinakatawan ni Prince Lacan Acuna Tagean. Sa simula ng nagdaang siglo ay walang tanong tungkol sa pagkakaroon ng OCT 01-4, ang orihinal na titulo ng mga isla ng Pilipinas, na pagmamay-ari ng pamilya Tagean Tallano, partikular si Prinsipe Julian Macleod Tallano, na naging nagmamay-ari ng titulo noong taong 1864.

Sabi pa dito: “…ito ay nagpapakita na parang noong 1898 ay nagtagumpay si Prinsipe Julian Macleod Tagean-Tallano upang makuha ang suporta ng pamahalaan ng Estados Unidos kung saan ang tratado ng Paris sa pagitan ng Espanya, USA, Great Britain, France at Germany ay nilagdaan at ipinatupad ng batas na gumagalang sa pribadong pagmamay-ari ng mga nakatira at ang Maharlikang Pamilya ng kapuluan.

Dagdag pa dito, ang dokumento raw ay may titulo na Original Certificate of Title 01-4 Protocol. Ang bilang na 01 ay tumutukoy sa isang bansa na bago dumating ang mga Kastila ay tinatawag na Maharlika. Ang bilang na 4 ay ang apat na orihinal na mga rehiyon ng bansa: 1)Luzon, 2) Visayas, 3)Mindanao,4)Palawan, Tagean (ngayon ay Mga Isla ng Kalayaan) at Hilagang Borneo ( na noong 1963 pagkatapos malikha ang Pederasyon ng Malaysia, ang pangalan ay naging Sabah).

Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Maharlika, ang mga miyembro ng pamilya Tagean-Tallano ay bumibisita sa Europa dahil ang ilan sa mga kamag-anak nila ay mamamayan ng Inglatera at Austria. Mula 1866 hanggang 1898, si Prince Julian Macleod Tallano ay bumibisita sa Vatican. Noong 1934 daw sa ilalim ng pamamahala ni Papa Pius XII, ang Vatican ay nakipagnegosasyon sa isang miyembro ng pamilya Tagean-Tallano. Napagkasunduan na pahihiramin ng Tagean Tallano ang Vatican ng 640,000 metric tons ng ginto. Ito ay bahagi ng gintong naipon ng Emperyo ng Srivijayan/Madjapahit na nasa Timog Silangang Asya sa loob ng 900 mga taon ng pamamahala.

(Naghanap ako sa internet pero noong 1934 daw, ang papa ay si Pope Pius XI(Pebrero 1922 hanggang Febrero 1939) at si Pope Pius XII(Marso 1939 hanggang Oktubre 1958) ay naging papa noong 1939. Kaya mayroong di pagkakatugma dito. Nagresearch pa ako at nakita ko na si Pope Pius XII (na dating Cardinal Pacelli), ay itinalaga pala ni Pope Pius XI noong ika-7 ng Pebrero 1930, bilang Cardinal Secretary of State. Siya ang namamahala sa polisiya ng ugnayang panlabas at mga pakikipagrelasyon ng estado sa buong mundo.Kaya malaki ang posibilidad na siya nga (dating Cardinal Pacelli na naging Pope Pius XII) ang nakipagtransaksiyon.)

Noong 1939, dalawang miyembro ng pamilya Tallano at isang katolikong pari na si Fr. Jose Antonio Diaz ay nagdala ng ginto mula sa Kota Kinabalu, Sabah patungo sa Vatican.
Si Prinsipe Julian Macleod Tallano sa edad na 91 ay biglang namatay sa Europa noong ika-17 ng Disyembre 1939. Ito ay dahil sa atake sa puso pagkatapos niyang maibyahe ang ginto sa Vatican at diniposito sa Holy See Trust. Siya ay sinamahan ni Rev. Father Robert Hayes, na may taglay ng testamento ng huling habilin na naka-ugnay sa OCT 01-4. (Iyong si Rev. Father Robert Hayes ay maaaring si Father Jose Antonio Diaz o kilala ring Santa Romana?-dahil ang taong nabanggit ay gumagamit ng maraming mga alyas.)

Pagkatapos na maibiyahe ang mga ginto sa Vatican ay bumalik si Fr. Diaz (Sta Romana, Fr. Hayes sa Maharlika at tumira raw sa Cabanatuan City. At makalipas ang ikalawang digmaang pandaigdid ay pinangasiwaan niya ang ligtas na pagbabalik ng 640, 000 metric tons ng ginto mula sa Vatican patungo sa Maharlika. Sina Manuel Acuna Roxas(noon ay kongresista at kamag-anak ng Acuna-Tagean-Tallano) at Bishop Enrique Sobrepena Sr. sa harap ni Atty. Lorenzo Tanada ang tumanggap ng ginto sa Maynila.

Ginawa ng pamilya Tallano na negosyador at tagapamahala ng kanilang ginto si Fr. Diaz. At kinuha naman ni Fr. Diaz ang serbisyo ng noon ay lubos na inirerekomendang mahusay na batang abogado na si Atty. Ferdinand E. Marcos na naging kilala noong 1939 pagkatapos niyang ipagtanggol ang kaniyang sarili sa Kaso ng Nalundasan.

Noong 1949, ang dalawang pinakamayamang tao sa mundo ay sina Fr. Jose Antonio Diaz at Atty. Ferdinand E. Marcos. Sila ay lehitimong kumita at nagmay-ari ng 192,000 metric tons ng ginto.

Sabi pa sa lathalain, sa pahina 3 hanay 2 sa babang bahagi (page3,column2 lower part):

“ There is a good reason to believe, even from further along in this account, that the young attorney Ferdinand E. Marcos was involved in the return of the gold. Cetainly by all accounts we have seen it was Ferdinand E. Marcos and Diaz/Santa Romana who shared in the enormous 30% commission-that is 192,000 TONS of gold worth around 4 TRILLION Dollars today (August 9, 2006) for handling this transaction. WHO CAN SAY THIS WEALTH WAS ILL GOTTEN?”

( Mayroong magandang dahilan upang maniwala, kahit pa mula sa higit pang kaakibat ng kwentong ito, na ang batang manananggol na si Ferdinand E. Marcos ay sangkot sa pagbabalik ng ginto. May katiyakan na sa lahat ng mga salaysay na nakita namin, ito ay sina Ferdinand E. Marcos at Diaz/Santa Romana ang magkahati sa malaking 30 porsiyentong komisyon, na 192,000 toneladang ginto na nagkakahalaga ng apat na trilyong dolyar ngayon (ika-9 ng Agosto 2006) para sa pag-aasikaso ng transaksiyon. SINO ANG MAGSASABI NA ANG YAMANG ITO AY NAKAW?)

Munting pagkukwenta:
Nagsimula ang ginto ng Tallano sa: 720,000 MT
Pinahiram sa Vatican noong 1939: 640,000 MT
(may nawawalang 80,000 MT)
Ibinalik ng Vatican sa Maynila pagkatapos ng digmaan WWII:640,000 MT
Ibinayad na komisyon kina Fr. Diaz at Atty. Marcos: 192,000 MT
Nakadeposito sa Central Bank of the Philippines: 400,000 MT
(may nawawalangng 48,000 MT)

Ang matandang pangalan na Central Bank of the Philippines ay pinalitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Pero may desisyon daw ang Korte Suprema na nagsasabi na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay responsable para sa mga pananagutan(liabilities) ng matandang Central Bank of the Philippines (Banco Filipino vs. BSP)

Ang 400,000 MT ng ginto raw na nasa Central Bank of the Philippines sa East Avenue, Quezon City ay walang makaiibo nito dahil ipinasigurado (insured) ni Marcos sa Lloyds of London at ang mga ahente (agents) nito ang nagbabantay.

Bukod sa 720,000 MT ng ginto mula sa pamilya Tallano, mayroon pang tinataya na 1.2 milyong tons ng Kayamanang Yamash*ta (pinagsamang diumanong pandarambong (plunder) ng Aleman at Hapon). Ibig sabihin ay halos malapit na sa dalawang milyong tonelada ng ginto na nagkakahalaga ng 38 Trilyong Dolyar sa presyo noong August 9, 2006.

Anong dahilan, maraming ginto subalit naghihikahos ang maraming tao sa Pilipinas?
Sabi daw dito sa lathalain: “…Ang EDSA “people power” exhibition ng 1986 ay may isang pangunahing layunin at iyon ay upang kuhanin ang malaking bilang ng ginto mula sa Pilipinas at mga Pilipino para sa kapakinabangan ng International Banking Cartel upang alipinin ang lahing tao.”

Nakasaad pa dito sa Contact Phoenix Journal Review na: “ A decision of the Federal Supreme Court of Switzerland dated December 21, 1990 said: “…By decision of May 29, 1986, the attorney general of the District of Zurich accepted in principle the legal assistance requested by the Philippines and invited all banks of the City of Zurich to FREEZE IMMEDIATELY all the accounts,deposits or safes of the persons, companies or foundations (of Marcos) mentioned in the order…”

(Nag google ako at ang sabi: “ The Swiss Federal Supreme Court decision of December 21, 1990, was a key ruling in the long running legal battle over Ferdinand Marcos’ ill gotten wealth, upholding freezing orders on approximately $356 million in Swiss bank accounts, declaring the funds of illegal origin, and directing their transfer to the Philippines once final Philippine court judgments on confiscation were rendered…”)

Dagdag pa ng Contact Phoenix Journal Review: “…Blinded Filipinos must keep repeating that Marcos was a thief so that those hundreds of billions of dollars of Marcos money will remain frozen and not be given to them for their use. Consequently, they must constantly borrow money from the International Monetary Fund (IMF) and World Bank (WB) with so much interest so that this country will remain a slave and shackled to the foreign powers.”

(Ang aking munting intindi dito sa sinusundang talata at itatagalog ko nang kaunti itong sabi: Ang nabulag daw na mga Pilipino ay kailangang ulit ulitin na si Marcos ay magnanakaw upang iyong mga daang bilyong dolyar na pera ng Marcos ay manatiling nagyeyelo (ibig sabihin ay hindi nagagamit) at hindi mapabigay sa kanila para gamitin nila. Dahil dito, kailangan nilang palagiang humiram ng pera mula sa IMF at WB na may malaking tubo (interest) upang ang bansang ito ay manatiling alipin at nakagapos sa dayuhang mga kapangyarihan.)

Nang mamatay si Fr. Jose Antonio Diaz, alias Severino Sta Romana noong 1974 iyong 30 porsiyentong komisyon sa ginto diumano ay naging ang maalamat na Marcos Gold.

Pagkatapos daw na makapagbigay sa kaniyang pamilya sa Letter of Instruction ni Marcos, ang buong kayamanan mula dito ay dapat ibigay sa mga Pilipino. Ito ang tinatawag na “Marcos Wealth” na (diumano) ang ilang mga pulitiko at taong simbahan ay nagsasabing “Ill gotten Marcos wealth”.

Ang malaking plano ni Marcos ay muling ilunsad ang dating ningning ng Maharlika at ang buong rehiyon ng Timog Silangang Asya, and dating Malay na Emperyo. Diumano, noong Hunyo 1983 sa Toronto, sa harap ng mga lider ng mundo ay inianunsiyo niya ang pagpapaganda ng ekonomiya ng Timog Silangang Asya sa pamamagitan ng paglikha ng Asyanong Dolyar. At ito ay susuportahan ng 400,000 MT ng ginto na nasa Central Bank of the Philippines at iba pang ginto na ikinalat niya sa rehiyon. Idadagdag din daw niya ang kaniyang personal na 192,000 MT na nasa Switzerland.

Pero hindi natuloy. Sayang! Naalala ko ang sinapit ni Muammar Al Qaddafi ng Libya. Noong Agosto 2008 ay nag anunsiyo rin si Kadafi na magtatatag ng sariling pera ang Africa. Itinanghal pa nga siyang Hari ng mga Hari sa Africa. (BBC News Africa Gaddafi:Africa’s ‘king of kings 29 August 2008)
http://news.bbc.co.uk/2/hi/africa/7588033.stm

Pero, tatlong taon din pagkatapos ay nawala rin siya sa pamumuno noong ika-20 ng Oktubre 2011. Sayang din! Matagal na panahon akong tumira at nagtrabaho sa Libya. Naranasan ko ang buhay ng mga tao kapag ang bansa ay may civil war. Mahirap at nakakatakot, talagang kailangan ang matibay na pananalig sa proteksiyon at gabay ng Ama-Inang Lumikha! Hindi madaling ipinta ang pakiramdam na nagtatrabaho ka sa ospital pero ang mga dumarating na pasyente ay duguan, mayroong gutay gutay na ang katawan tapos patuloy pa ring naririnig ang sirena, ang tunog ng ambulansiya at putukan. Nasaksihan ko na marami sa mga empleyado sa ospital ay hindi maiwasan ang iyakan habang abalang abala sa pagtatrabaho lalo na sa emergency room. Nasa duty ako, noong grabe ang putukan sa labas, tapos na ako sa aking ginagawa sa loob ng laboratoryo ay nakasiksik ako sa may ilalim ng lababo, nakakubli sa malaking haligi ng gusali. Naalala ko si dating pangulong Marcos. Sabi ko, talagang mabuti ang puso niya at mahal niya ang mga Pilipino. Kung siya ay nanlaban noon at hindi pumunta sa Hawaii, malamang nagkaroon din ng civil war sa Pilipinas.

(Nagtingin ako sa internet pero wala akong makitang ibang impormasyon hinggil sa pag-aanunsiyo raw sa Toronto tungkol sa paglikha ng Asian Dollar. Subalit, naniniwala ako na hindi malayo na mayroon ngang katulad na kaganapan?)

Sa iba pang salaysay, mismong sa Infinite Bank Statements ng World Bank Group The Committee of 300 (Reference no:ASBLP-0330-2012) ay nakalagay ang Name Of Originating Accounts. Sa apat na nabanggit na mga pinagmumulan ay nakasulat ang: (4) White Eagle Account- Pres. Ferdinand E. Marcos. Sa naturang dokumento ay nakasaad din na ang Trusteeship Origin: Ferdinand Edralin Marcos.

https://www.scribd.com/doc/121752437/The-World-Bank-Group-USA-2012-Final-Audited-Statements

Sa pang-apat na pahina ng nasabing dokumento ay mababasa rin na ang World Bank Group ay nagkaloob ng katibayan ng Time Deposits kay dating pangulong Marcos noong 1976 na nakaugnay sa WB-Philippines2000. Humalaw lamang ako mula dito sa may nakalagay na:BANK ACCOUNT INFORMATION.

“…and the deal for opening, processing and activating any of herein accounts should be formally discussed by the Host Government where ASBLP Accounts are allocated, its Host Government Authorized Representative, Philippine/US Government and King ASM and again said accounts are now forever and perpetually declared, reconsidered, re-certified and reconfirmed as Standard Fiduciary Accounts and cannot be forever deleted by any/all Authorities worldwide and we forever reconfirm and recognize all statement written in the Certificate of Time Deposits issued by this Institution with Reference no. WB-Philippines2000 to Pres.Ferdinand E. Marcos dated September 10, 1976….”

Ang hangarin ng mga kumpirmadong account na nakasulat dito sa Infinite Bank Statements ng World Bank Group, sa pahina 3 at 4 ay sampu hanggang pitumpung porsiyento para sa mga tao ng mga isla ng Pilipinas at mula sampu hanggang limampung porsiyento para sa mundo: A. Humanita***n Economic Development Program
1.Livelihood Development Program
2. Scholarship Development Program
3. Healthcare Development Program
4.Annuity Development Program
B. National Economic Development Program
1. Infrastructure Development Program
2. Agricultural Development Program
3. Mining Development Program
4.Industrial Development Program

Pinagkumpara ko ang walong mga hangarin na ito na nakatitik sa dokumento ng World Bank at ang walong mga pangkalahatang intensiyon na nakasaad naman sa huling habilin. Nagulat ako sa aking nakita dahil parehong tig walo ng mga layunin ang dalawang dokumento. Halos parehong pareho ang buod. Ang pinagkaiba nga lamang ay ibinukod ng World Bank ang humanita***n economic development program sa national economic development program. At iyong pang-apat na intensiyon sa huling habilin na: Disability/Retirement/Pension Programs ay nakatitik naman na Annuity Development Program sa dokumento ng World Bank. (Nagtingin ako sa internet ng ibig sabihin ng annuity. Ito raw ay may garantiyang palagiang karaniwang kita sa panahon na hindi na nagtatrabaho.)Dahil dito sa aking napansin, malakas ang kutob ko na ang hari natin, si King ASM, Spiritual Wonder Boy, King David na binanggit sa dokumento ng World Bank, ang ASM ay pinaiksing ANTHONY SANTIAGO MARTIN na kasama naman sa pagkilala na nakasulat sa huling habilin?

Samantala ay dakuhin natin ang nakasulat sa Marcos Diary na may petsang December 31, 1969: “I have today given away by general instrument of transfer all my worldly possessions to the Filipino people through a foundation to be organized known as the Marcos Foundation.”

“Moved by the strongest desire and the purest will to set the example of self denial and self sacrifice for all our people, I have today decided to give away all my worldly possessions so that they may serve the greater needs of the greater number of our people.”

“It is my wish that these properties will be used in advancing education, science, technology and the arts.”

Tumutugma itong nakasulat sa diary doon sa diumano ay binanggit ni Marcos noong ika-9 ng Abril 1973 tungkol sa Marcos Foundation.

Tunguhin din natin ang nakita ko sa internet na tingin ko ay tila baga huling habilin ng dating pangulong Marcos?

https://www.scribd.com/doc/313925665/Marcos-Gold-Last-Will-and-Testament-1

Matagal ko na itong nakita at noong unang binabasa ko ang mga nasa salaysay ay tumatayo ang mga balahibo ko. Kaya nagdownload agad ako para maulit kong basahin dahil baka kako mawala sa internet. Sa katunayan ay kalawangin na ngayon ang staple wire na ginamit ko para pagsamahin ang walong mga pahina.

Noong una kong makita ito ay totoo kong pinakatitigan iyong nasa huling pahina na anim na mga pirma. Humanga ako dahil pumirma siya gamit ang kaliwa at kanang kamay. At tingin ko ay talagang magkakatulad. Nakalagay na pinirmahan iyon noong ika-20 ng Disyembre 1988 sa Buckingham Palace, London, Great Britain. At siya rin ang Attorney in Authority AAA-777. (Sa may gusto ay pwede ninyo ring ihambing ang naturang anim na lagda sa lagda ng dating Pangulo sa larawan, kuha noong 1969 na nasa post na ito.)

(Dito ay nag-isip ako, di ga ay ang alam natin ay 1986 lumipad patungong Hawaii ang dating pangulo? Taong 1988 nilagdaan ang dokumentong ito sa palasyo ng Buckingham sa London, paano kako nangyari iyon, lumipad siya mula Honolulu papuntang London? Ang sagot ko dati ay matalinong tao kako si Marcos at advanced mag-isip at isa pa ispiritwal na tao ang dating pangulo at may mga kamay na hindi natin nakikita subalit tumutulong sa kaniya. Tapos napanood ko iyong YouTube video ng Filipino Future, Dating World Bank Lawyer, Ibinulalas ang Tungkol sa Marcos Wealth 2021 Jul 20. Ayon sa naturang video, sabi daw ni Atty. Hudes: “…It’s not clear about the exact date of his death because he had a cousin who you know he was removed by CIA, was not by a popular uprising…. The CIA stages these things and he was sent off to Hawaii but he had expected that this was going to happen and he had gotten his cousin to stand in for him…It was his cousin that was in Hawaii captive.”)

(Hindi ko alam kung tunay itong sinabi sa itaas ng dating abogado ng WB. Pero naniniwala ako na mayroon siyang pinagbabasehan.)

Nakasulat naman dito sa Last Will and Testament: “ Know to all men these presents, that I, Ferdinand Edralin Marcos with Diffused codename: AAA-777 and Spiritual King Solomon of Israel…General Holder of the following Assets and Properties entrusted to me by the Eternal Creator for the benefit of the People of the Philippine islands to wit: (a) FINANCIAL PROVENANCES: with AAA Acount no FM01-777 worth of $120,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000 (Binilang ko ay pitumpu at dalawang zero(24x3) pagkatapos ng $120,)
Spiritual Wonder Boy Account no. AM22 I-33334 worth of $800,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000,000
(Binilang ko ay dalawang daan at sampung zero (70x3) pagkatapos ng $800,)
at ALPHA-OMEGA Account no 9991-222434-9 worth $ Infinity symbol that directly intended for the welfare and benefit of the People of the Philippine Islands,…”

Dito talagang maliwanang na nakatitik na naman na para sa kapakinabangan ng mga tao ng mga isla ng Pilipinas.

Sa pagpapatuloy ng salaysay ay nabanggit ang kasaysayan tungkol sa mga ari a***n mula pa kay King Bernardo Carpio o tinatawag na Spiritual Judge Samson of Israel na iniwan ang mga yamang iyon sa mga tao ng mga isla ng Pilipinas at pinaingatan kay Dali Daliktuna o Maria Banahaw o ang Spiritual Delilah , ang babaeng shaman ng bundok Banahaw sa Quezon.

Nabanggit pa rito na iyon daw mga Europeo na mananakop ay ginamit ang mga Yaman ni Carpio upang manakop ng maraming lupa sa labas ng Europa at Espanya. Sa pamamagitan ng pandaraya gamit ang Sanduguan (blood compact) sa pagitan ni King Si-katuna at King Si-Gala ng Bohol at Gen. Miguel Lopez De Legazpi ng Espanya at Mexico noong ika-16 ng Marso 1565, nakuhang muli ang ilan sa mga yaman ni Carpio sa probinsiya ng Bohol. Ang nakakuha ay si Malekia Bali o Maria Cristina, isang babaeng shaman ng Bundok Kanlaon sa probinsiya ng Negros sa pamamagitan ni Dali Daliktuna

Sinakop ng mga Kastila ang mga isla at nag-iwan ng kirot at pagkabigo sa mga Pilipino hanggang isinilang si Dr. Jose Rizal o Spiritual Prophet Moses of Israel at Spiritual David.

Nakilala ni Rizal si Maria Clara del Prado o pinaglipatang ispiritwal na kapangyarihan ni Maria Banahaw at ibinigay ang singsing na Alpha Omega nag-iiwan ng mensahe na kailangang makuha ni Rizal ang mga dokumento ni King Carpio na nasa pag-iingat ng Intsik na Emperador Guaugxu. Matagumpay na nakuha ni Rizal sa Hongkong ang sinasabing mga dokumento ni Carpio. Mula Hongkong ay ay lumipad si Rizal at tumungo sa mga siyudad ng Europa, gaya ng Madrid, Vienna, London, Paris at Berlin. Dala niya ang ilang Mahiwagang Ginto na bigay ni Graciana Delos Santos o Maria Cristina mula sa Bundok ng Kanlaon, na mayroong higit sa trilyong tonelada ng mahiwagang mina ng ginto.

At bago ang kamatayan sa Bagumbayan noong ika-30 ng Disyembre 1896 ay iniwan ni Rizal ang mga yamang iyon nina Carpio at Rizal kay Ma. Epifania M.Coronado-Castillejos kilalang Sinukuan at Spiritual St. Mary.

Ang mundo ay nasindak ng Axis Powers at ninakaw nila ang diumano ay mga Kayamanan ng Europa na wala silang kaalam alam na iyon ay mga labi ng mga Kayamanan ni Carpio. At naitago rin ni Rizal ang Alpha Omega Ring sa Madrid.

Hindi inaasahan, si Marcos ay pumunta sa Mt. Sinukuan sa Arayat Pampanga upang katagpuin si Ma. Epifania M. Coronado-Castillejos o Maria Sinukuan at iniabot niya kay Marcos ang Alpha Omega Ring pati na ilang mapa ng mga tagong yaman nina Carpio at Rizal na isinuko ni Gen. Yamash*ta at matagumpay na nakuha ni Ma. Royanda M. Reves o Maria Makiling at kinikilala na Reyna Ester ng Persia at Israel.

Umupo si Marcos sa pagkapangulo noong ika-30 ng Nobyembre 1965. Mayroong mga nagpetisyon laban kay Marcos na sa pamamagitan ng Demand Letter na ipinababalik ang mga nakuhang diumanong mga yaman na idineposito niya sa ilang mga bangko sa Europa, Asia at Amerika kasama ang World Bank Group. Ipinagtanggol ni Marcos sa pagsasabi na sa bisa ng tuntunin ng International Court at sinunod niya ang pasya ng pandaigdigang hukuman, na ang mga yaman na iyon ay nakalaan para sa kapakinabangan ng mga tao ng mga isla ng Pilipinas. Matagumpay na nakuha ni Marcos ang panalo noong ang international court ay muling pinaboran ang tiyak at sukdulan (conclusiveness) o iyong mga certified deposits ay para sa mga Pilipino at ang mga nagrereklamo ay hindi inilagak ang kanilang petisyon sa harap ng Statute of the International Court. Ang mga yamang iyon ay kinilala at tinanggap (identified and recognized) ng pandaigdigang korte, bilang pag-aari nina Carpio at Rizal na inilaan para sa mga Pilipino.

At noong 1976 ay binili ni Marcos ang mga isla ng Pilipinas na may Original Certificate of Title no. 779 sa ilalim ng Survey Plan no.II-4509 na may palagiang sukat na 451,000 sq.klm ng kabuuang sukat ng lupa na sumasakop sa mga isla o Luzon hanggang sa mga isla ng Sabah at itinala sa ilalim ng Land Registration Act no.496 batay sa mga probisyon na niratipikahan sa pagitan ng USA at Espanya noong ika-10 ng Disyembre 1898 sa Paris, France na nagkakahalaga ng $20,000,000,000 mas madami mula sa orihinal na $100,000,000 bilang opisyal na pagpresyo ng mga awtoridad ng Amerika at sa ilalim ng kasunduang pampederal na ginawa at ipinatupad sa pagitan nina Marcos at Presidente Gerarld Ford sa White House, Washington DC,USA. Sumang-ayon sila upang kilalanin na ang kanilang nawawalang mga yaman at ari a***n (assets and properties) na muling nabawi (recovered) ni Marcos ay mga pag-aari (assets and properties) ng mga Pilipino na kinikilala pa rin bilang mga pag-aari ni Haring Carpio.

Noong 1976 sa Buckingham Palace, London, England, sina Marcos at Queen Elizabeth II ay nagkasundo at nagpatupad na ang pisikal na sinaunang singsing na Alpha at Omega ay iiwan sa reyna.

Pangkalahatang Layunin ng mga pondo na mahihinog sa taong 2000 at lampas pa ay para sa mga programang pagpapunlad ng mga Pilipino: 1.livelihood program, 2.scholarship program, 3.health care program, 4. disability/retirement/pension program, 5. national infrastructure of urban and rural program, 6. agricultural and irrigation development program,7. mining program, 8. industrial and economic matters.

Binanggit din ang tungkol sa pagtanggal (abolition) sa mga tao at mga pangalan ng katiwala (trustee) na pamamahalaan lamang ni Anthony Santiago Martin o Spiritual Wonder Boy para sa kapakinabangan ng mga tao ng mga isla ng Pilipinas.

(Noong binabasa ko itong banggit tungkol kina Maria Sinukuan ng Arayat Pampanga, Maria Makiling, Maria Banahaw at Maria Cristina, sabi ko sa sarili ko ay talaga pala kakong mga banal na yaman ang mga ito. Sa apat na bundok kung saan naroon ang mga diwata na binanggit sa huling testamentong ito ay Bundok Kanlaon lamang kung nasaan si Maria Cristina ang hindi ko pa napupuntahan. Sa Pampanga ay napuntahan ko na iyon. Sabi ng inay ay kahit noong bata pa raw ako ay naisama na nila ako sa Arayat, sa mahal na ina. Kasama raw namin ang mga kapatirang Rizalista. Sa mga hindi nakakaalam lalo na iyong mga kabataan, noong araw ay mayroong mga taga Talumpok na kasama sa kapatirang Rizalista. Ang tanda kong santoaryo (santuwaryo,sanktwaryo) ay sa Sapangan, sa bakuran ng bahay ng nanay Julia. At kapag aahon ako sa bundok sa aming alaman ng baka noon ay paminsan minsan ay dumadaan ako sa santuwaryo. Maganda siguro kung iyong pinagtayuan ng santwaryo doon sa mga tiyo Sario Capili na paratig sa malapit sa nanay Dibing Asi ay malagyan ng tanda ng kasaysayan (historical marker) o maaari rin kayang rebulto ni Rizal? Marahil ay may magsasabi na malayo na ito sa paksa. Isinama ko pa rin upang magpakita ng ugnayan nina Rizal at Marcos sa mga diwata na nag-aalaga sa mga kabundukan, na mayroong mga nakatagong yaman? At higit sa lahat ay upang alalahanin din nating mga taga Talumpok ang kabayanihan ni Rizal, na minsan ay nagkaroon ng santoaryo sa Sapangan.At ipaalala rin sa ating lahat na mayroon din tayong mga bundok sa Talumpok na kailangan nating ingatan at pangalagaan. Wala akong alam na kilalang Ma***ng diwata na nakaugnay sa pangangalaga sa Bundok ng Banoy, sa Bundok ng Sapangan at Munting Bundok na lahat ay nasa Talumpok. Kaya hindi naman siguro masama kung magmungkahi na ang bawat isa sa atin ang magsikap na makapagsilbing mga diwata at prinsipe!)

Dakuhin naman natin ang YouTube video na First Lady IMELDA MARCOS interview with Mel Tiangco 2021 Oct 9
https://youtu.be/4y6ZMgYpKx0?si=8P5Z95JDH1yhsfGs

Mel Tiangco: “How was the last hours of being with President Marcos?
Mrs. Marcos: “He was giving me strength by saying, sweetheart fear not, all our lives we committed on the side of the right, like the sun will rise tomorrow. The truth will set us free.”

Mrs. Marcos: “We’re entering the documents of the trial of the century, here, 170 banks that Marcos deposited money on…these are the… 350 000 documents used against me. Now, all of that, all the mines, all the banks of the world, 170 banks of the world and I have the bill of lading.”

240 billion dollars daw ang bill of lading?
(Ang BOL(Bill Of Lading), Waybill o Dokumento sa Transportasyon ng Kargamento, ay kwenta sa pagkarga.)

Mrs. Marcos: “I was going to build a satellite city for the poor… This will save the world…This is the reason why I want to survive and it is not for me anymore.”
Mel Tiangco: “Mrs Marcos are you saying you’re open to giving some or an amount of this one to the country, to the Filipinos?”
Mrs. Marcos: “Not only the Filipinos, the world”

(Bago pa naging presidente si Marcos ay may ipong ginto na raw, na lumaki nang lumaki ang halaga paglipas ng panahon.)

Sabi pa ni Mrs Marcos: “And we are sitting on gold.”

Mrs Marcos: “Imagine, alone, widowed, orphaned, First lady of a third country, winning the case of the century, without a penny… I did not have one piece of document or one witness I could not afford any of them.”
Mrs. Marcos: “I am resigned to whatever the Lord …has planned for me. Anyway, I have always followed whatever they say about the good, the true and the beautiful…I followed that path and if you are in that path, you are in the path of God and the truth, nobody can touch you. Can you imagine I have now 986 cases? And all of them I won and these case are not filed by individuals, they are filed by government superpowers”

Iyong nabanggit na trial of the century ay paglilitis kay Imelda Marcos. Ang buong pangalan ng kaso ay United States of America v. Imelda Romualdez Marcos, Adnan Khashoggi. Noong ika-2 ng Hulyo 1990 ay pinawalang sala sila sa lahat ng kaso.
https://en.wikipedia.org/wiki/Trial_of_Imelda_Marcos

Samantala, sa YouTube video ng gmapublicaffairs, Bawal ang Pasaway: Prof.Winnie Monsod interviews Imelda Marcos 2013 Oct 9
(Sinikap kong ilagay ang link dito pero hindi bumukas ang 6:55 minutes na video at unavailable daw. Kaya hanapin na lamang ng nagnanais, direkta mula sa YouTube.)

Tanong ni Winnie Monsod: “Paano lumago ang inyong kayamanan?” Sagot ng dating Unang Ginang: “Ang galing ng kaniyang investment eh… ang investment niya, noong pumasok ako ng bahay niya yung ilalim ng basement ng bahay, puro ginto. Tanong ni Winnie: Saan niya nakuha iyong ginto? Tugon ni Ginang Marcos: “ Kasi abogado siya ng mga Benguet, Atlas, Lepanto noong before the war… noong naging topnotcher siya ang pinili niya, hindi mga iba ibang korporasyon kundi mina, naniniwala siya sa gold. He bought and he trade.. with his earnings and then he traded in gold… Mayroon akong mga dokumento, he started trading on gold ... when about 6000..7000 tons he entered politics”

At isama pa natin ang YouTube video ng Filipino Future, Dating World Bank Lawyer, Ibinulalas ang Tungkol sa Marcos Wealth 2021 Jul 20
https://youtu.be/jHVYBtOdSLc?si=FKInJWSGQa0aEIA-

Ang sinasabi dito ni Marcos ay tumutugma doon sa tinatawag na Marcos Foundation na nakasulat sa Marcos Diary noong December 31,1969.

Dito sa video ang sabi ni Atty. Hudes ay ang ginto raw ng mundo ay mula pa kay haring Solomon, gintong inipon ng mga konkistador o mananakop na nasa Espanya mula sa sibilisasyon ng Aztec at Inca, ginto na inipon ni General Yamash*ta sa pagitan ng una at ikalawang digmaang pandaigdig.

Dagdag pa niya, na ang ginawa raw ni Marcos ay inilagak niya ang ginto para sa kapakinabangan ng sangkatauhan sa isang trust o pagsiguro sa kinabukasan para sa limampung taon. Siya ay abogado at batid niya na kapag may umaangkin ng ginto at hindi nila napatotohanan ang kanilang pag-angkin sa loob ng limampung taon, ang pag-angkin nila ay mawawala. Ito ay legal na konsepto na tinatawag na Statute of Limitation.

Sa pagwawakas natin sa araling ito ay tanong ang ating iiwanan sa mambabasa. Pagkatapos nating matunghayan ang mga nasa protokol na ito, makatarungan pa kayang magpatuloy ang naratibang ipinupukol na yamang kinuha raw sa masamang pamamaraan?

Muli, sariling pang-unawa pa rin ang ipinapakiusap sa mga mambabasa.Hindi ko sinasabi na ang mga sinulat ko rito at ibinahagi ay tunay at totoo, na karapatdapat paniwalaan kapagdaka. Bilang isang protokol tayo o sinumang may gusto ang mag-aaral nito.

Address

Talumpok Silangan
Batangas City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Talumpok Global and Smart Healing Community posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Talumpok Global and Smart Healing Community:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram