RHU III Bayambang

RHU III Bayambang HEALTH CENTER TO ALL BAYAMBANGUEÑOS

02/12/2025
25/11/2025
18/11/2025
21/10/2025

‼️”TRANGKASO BYE-BYE!” CAMPAIGN KONTRA FLU, INILUNSAD NG DOH‼️

Maghugas ng Kamay, Trangkaso Bye-Bye!
Magpahinga sa Bahay, Trangkaso Bye-Bye!
Kumain ng Prutas at Gulay, Trangkaso Bye-Bye!—ito ang mensahe ng DOH sa kampanya nitong “Trangkaso Bye-Bye” na inilunsad bilang bahagi ng tamang edukasyon sa pag-iwas sa trangkaso o flu.

Nauna nang inihayag ng DOH na bagamat walang outbreak, nasa flu-season pa rin ang bansa mula sa panahon ng tag-ulan nitong Hunyo hanggang sa kasalukuyang pagpapalit ng monsoon season papuntang Amihan.

Batay sa latest surveillance ng DOH, nakapagtala ng 6,457 kaso ng Influenza-Like Illness (ILI) mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 11, 2025, na 25% mas mababa kumpara sa 8,628 kaso sa kaparehong panahon noong 2024.

Ang ILI ay isang matinding impeksyon sa paghinga na dulot ng mga virus tulad ng Influenza A at B, Respiratory Syncytial Virus (RSV), at Rhinovirus.

Sentro sa kampanyang Trankaso Bye-Bye! ang mga simpleng gawain para makaiwas sa pagkakasakit.




11/08/2025
31/07/2025
11/07/2025

❗️BUKOD SA LEPTOSPIROSIS, MGA BATANG NAGLALARO SA BAHA PWEDENG MAGKA-ASCARIASIS DALA NG MGA BULATE❗️

Babala ng DOH, hindi lang Leptospirosis ang maaaring makuha sa baha, kundi ang mga Soil-transmitted Helminths (STH) infections, tulad ng Ascariasis, Trichuriasis, at Ancylostomiasis. Madalas na tinatamaan ng mga STH ay ang mga batang hindi nagpapurga.

Ayon sa datos ng DOH noong 2024, 57% pa lang ng batang 1-4 years old ang nagpapurga sa kabila ng libreng Deworming tablets na binibigay sa mga health center.

Ilan sa mga sintomas ng STH infections ang:
✔️Pananakit ng tiyan
✔️Pagtatae
✔️Panghihina
✔️Rectal prolapse (Paglabas ng laman ng pwet)
✔️Mabagal na paglaki ng katawan at isipan ng bata

Paalala ng DOH sa mga magulang, huwag hayaang maglaro sa baha ang mga bata at gawin ang W.O.R.M.S para maiwasan ang impeksyon na dala ng mga bulate! 🪱




02/07/2025

LOOK: The Department of Health clarifies a circulating video claiming that vaccines contain magnet and microchips. Hindi naglalaman ng magnets, micropchips, at “trackers” ang mga bakuna. Ang compilation videos na ito ay walang katotohanan at fake news lamang. The Department reminds the public to always verify information available online with legitimate sources. Maging BIDA, alamin ang tamang impormasyon!

Address

CARUNGAY
Bayambang
2423

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU III Bayambang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to RHU III Bayambang:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram