23/10/2025
Nabaon ako sa utang pero hindi ako sumuko! 💔💪
Alam mo ba, minsan kailangan mo munang mabaon bago ka matuto sa buhay?
Dati, halos araw-araw akong kabado —
hindi ko alam kung saan kukuha ng pambayad,
paulit-ulit akong nagkamali, at nawalan ng pag-asa kung makakabayad pa ba ako, hanggang kelan matatapos ang utang ko.
Pero doon ko nakita ang realidad ng buhay —
na walang shortcut sa tagumpay,
at walang tutulong sa’yo kundi sarili mo mismo.
Doon ako tumatag. Natuto akong bumangon sa pagka-baon ko sa utang.
Doon ko natutunang magtiwala sa proseso,
at gumawa ng paraan imbes na magreklamo.
Ngayon, bitbit ko ‘yung mga aral ng kahapon —
na kahit gaano kalaki ang utang mo ,
may paraan pa ring makaahon, basta may diskarte at pananampalataya sa Diyos. 🙏💼
Huwag tumigil gumawa ng paraan, magpaturo ka sa mga taong dumaan din sa ganyan sitwasyon, magtipid at wag ng magpaloko ulit sa mga taong mapagsamantala.
Kaya kung ikaw ngayon ay nasa sitwasyon na parang wala nang pag-asa —
’wag kang susuko.
’Yung hirap mo ngayon, ‘yan mismo ang magtutulak sa’yo para umangat.
Gamitin mo ang sakit bilang lakas,
at ang pagkakautang bilang inspirasyon para bumangon at magtagumpay. 💪