13/04/2026
🏥 MAS PINATIBAY NA SERBISYONG PANGKALUSUGAN PARA SA BAWAT BIÑANENSE! 💙
Sa pamamagitan ng City Ordinance No. 2, Series of 2026, na inakda ni Konsehal Dr. Elvis Bedia, mas pinalakas at inayos ang istruktura ng serbisyong pangkalusugan sa Lungsod ng Biñan upang mas maging maayos, mabilis, at accessible para sa lahat.
🔷 Paano na ngayon naka-structure ang Health System?
🏥 City Health Office (CHO)
➡️ Sentro ng pamamahala at oversight
➡️ Nangunguna sa pagpaplano, koordinasyon, at pagpapatupad ng health programs sa lungsod
🩺 Urban Health Centers (UHCs)
➡️ Mga pangunahing primary care facilities
➡️ Dito makakakuha ng konsultasyon, check-up, bakuna, at iba pang serbisyong medikal
🏡 Barangay Health Stations (BHS)
➡️ Community-level extension ng health services
➡️ Mas malapit sa inyong tahanan para sa basic health services at first point of contact
📍 Alamin ang inyong catchment area!
Tingnan ang mga larawan sa post upang malaman kung saang Urban Health Center at Barangay Health Station kayo sakop.
💡 Layunin ng bagong istrukturang ito:
✔️ Mas maayos na daloy ng serbisyo
✔️ Mas mabilis na access sa healthcare
✔️ Mas pinalakas na community-based health system
"Galing at Epektibong Lingkod Para sa Kalusugan"