17/11/2024
| Suspendido ang klase sa Lunes, November 18, 2024, sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Laguna dahil sa nakataas na TCWS No. 3 sa silangang bahagi at TCWS No.2 sa mga natitira pang lugar sa lalawigan dala ng super typhoon Pepito.
Pinapayuhan po ang lahat na maging alerto at handa sa pag likas kung kinakailangan. Manatili po tayong nakaantabay sa balita para lagay ng panahon.
Mag-ingat po tayo at magdasal para sa kaligtasan ng bawat isa.
Bukas po ang ating linya 24/7 para sa mga nangangailangan ng agarang tulong, rescue, o nais magreport ng mga bahang lugar o anumang insidente. Maaaring tumawag sa STAC Hotline - 0921 907 8886 o Laguna Command Center Hotline - Dial ( #524862) o mag-PM dito sa aking FB page.