01/09/2025
August 26, 2025, Ang Biñan City Hospital (Ospital ng Biñan) ay isang certified mother-Baby Friendly Hospital at bilang paggunita ng "Breastfeeding Month", ang ating ospital ay nagsagawa ng isang seminar handog para sa mga pasyenteng bagong panganak. Layunin nito na ipalaganap ang kahalagahan ng tama, epektibo at esklusibong pagpapasuso ng mga sanggol. Sa pakikipag tulungan ng Dietary dept, Maam Alma Aguilar at Maam Judy Tabao, ay nagbahagi tayo ng masustansya at masarap na pagkaing nakakatulong makapag-pagatas sa mga OB ward patients. Nag bahagi rin ng kaalaman ang lactation committees na sina Nurse Faye Ramos , Nurse Maria Maureen at Nurse Jessa tungkol sa "Hakab" at ni**le concerns.
Ang pagpapasuso ay hindi lamang programa, ito ay adbokasiya. Ang B*H ay matatag na sumusuporta sa layanin ng pagpapasuso mula noon, ngayon, at sa mga susunod pang henerasyon ng mga ina at sanggol.