27/11/2025
Sa likod ng ingay ng kalsada at bilis ng araw-araw, may mga tahimik na laban na hindi natin nakikita. Ang 𝙄𝙎𝙄𝙋 𝘼𝙏 𝙆𝘼𝙇𝙎𝘼𝘿𝘼 ay sumasalamin sa mga kwento ng mga street vendor, commuter, trabahador, estudyante, at mga batang pilit lumalaban habang naglalakad sa parehong daan na dinaanan natin.
Hindi natin alam ang bigat na pasan ng bawat tao. Kaya sana, piliin natin ang pag-unawa kaysa panghuhusga. Piliin nating maging instrumento ng pag-asa, respeto, at kabutihan sa mundong unti-unting nakakalimot sa malasakit.
𝗔𝗻𝗴 𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗵𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁. Dapat itong maging abot-kamay, bukas, at may kasamang tunay na pag-aalaga.
Sama-sama nating palakasin ang boses ng mga hindi naririnig, para sa isang komunidad na may puso, pakikiramdam, at malasakit sa bawat isip na patuloy na lumalaban.