27/09/2022
KADIWA ON WHEELS IN BINALONAN
Kakailyan, ang Kadiwa on Wheels ay darating sa ating bayan ngayong Biyernes, September 30, 2022, mula 6:00 AM hanggang 5:00 PM sa Binalonan Rock Garden upang magbenta ng mga gulay at iba pang mga lokal na produkto ng ating bayan.
Ito ay programa ng Department of Agriculture sa pakikipagtulungan sa Provincial Government of Pangasinan, at ng Lokal na Pamahalaan ng Binalonan sa pangunguna ni Mayor Ramon Ronald V. Guico IV at ng Municipal Agriculture Office.
Sa programang ito itinatampok ang mga lokal na produkto para matulungan ang SMEs at ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpromote at pagbenta ng mga produkto mula sa ating bayan. Kaya naman, ang mga maibebenta ng Kadiwa on Wheels at direktang mapupunta sa mga magsasaka.
Samantalahin ang pagkakataong ito! Suportahan at tulungan natin ang ating mga magsasaka. Bili na sa Kadiwa on Wheels sa darating na Biyernes!