28/10/2025
LORATADINE vs CETIRIZINE
Pareho lang ba sila?
Tara pagusapan natin 🙂
PARA SAAN GINAGAMIT?
📌Parehong antihistamine o anti-“allergy”. Ginagamit kung ikaw ay may: allergic rhinitis (bumabahing, sipon dahil sa allergy), skin allergy (hives, pangangati), dust/pollen allergy
ANO ANG PINAGKAIBA?
💊 Loratadine - mas less ang antok na side effect. Best para sa mga students, nasa work. (Iniinom ito 1 tablet sa umaga)
💊 Cetirizine - mas nakakaantok, pero mas mabilis ang effect. Best para sa may severe allergy at gustong makatulog konti. (Iniinom ito 1 tablet sa gabi)
⚠️MGA PAALALA:
1. Kung gusto mo ng mabilis na ginhawa, mas mainam ang Cetirizine.
2. Kung kailangan mong manatiling gising o alerto, mas maganda ang Loratadine.
3. Pareho silang tumatagal ng humigit-kumulang 24 oras, kaya sapat ang isang tableta sa isang araw.
4. Para sa mga bata, buntis, o may sakit sa atay/bato, laging kumonsulta muna sa healthcare provider.