29/11/2025
HIV-AIDS AWARENESS para sa mga Kawani at samahan sa Barangay Bambang
Ang ilang kinatawan po ng ating Municipal Health Office ay nagpunta sa Barangay Bambang sa paanyaya ng Sanguniang Barangay upang magbahagi ng kaalaman ukol sa napapanahong paksa ng HIV-AIDS, kasama dito ang boluntaryong FREE TEST para sa mga nagnanais na malaman ang kanilang status sa HIV.
Ang Municipal Health Office po ng ating bayan ay laging bukas sa kahit sinong magnanais na magpasuri o magtanong ukol dito, bagay na tinututukan din ng ating Punong Bayan Jon Jon Villanueva at Pangalawang Punong Bayan Abogado Sherwin Tugna para sa lahat ng Kabataang Bocaueño!