23/08/2023
Financial Assistance & Prayer Request para aming Minamahal na Tatay Renante's Bone Marrow Biopsy Journey
Nais ko pong ibahagi sainyo ang kinakaharap na pagsubok sa buhay ng aming pamilya.
Ako po si Rica Cabrera panganay na anak nina Renante at Racquel Cabrera, taga Luciente II Bolinao, Pangasinan.
Kasalukuyang hinaharap ng aming Tatay ang kinakailangang pagsasagawa ng Bone marrow biopsy wala pa po kaming alam na hospital kung saan po kami pwede mag inquire.
Ang aming Tatay na, hindi lamang ang pangunahing haligi ng aming tahanan (siya po ay dating "Construction Worker"). Sa ngayon, kami po ay humihingi ng himala sa ating Diyos na buhay at ng inyong tulong upang maging maayos ang mga susunod pang step para po makapag pa Bone marrow biopsy siya.
Gayunpaman, hindi lamang po sa kalusugan ng aming Tatay kami kinakailangang magbigay ng kahalagahan ngunit pati rin po sa kalusugan ng aming Ina na nagdaraan sa isang Mild Stroke.
Isa itong malaking hamon para sa amin, at amin pong nauunawaan na hindi namin ito kayang harapin nang mag-isa. Dahil dito, kami po ay nananawagan ng kaunting tulong pinansiyal para maipagpatuloy ang mga gamutan at iba pang kailangan ng aming mga magulang.
Higit pa sa tulong pinansiyal, kami po ay humihingi ng panalangin. Ang inyong mga paunlak na panalangin at suporta, ay labis naming kailangan sa oras na ito.
Hinahangad namin ang inyong pang-unawa, pagmamahal, at suporta. Walang sukatan ang inyong tulong, bawat piso at bawat panalangin ay malaki ang kahalagahan para sa amin.
Salamat sa inyong walang sawang pagmamahal at suporta. Maaaring ipahayag ang inyong tulong at suporta sa ibaba o kaya'y magpadala ng diretsahang mensahe sa amin.
Sa mga gusto pong tumulong eto po ang gcash ng aking pinsan
CI**Y JE*N C.
09385625910
pwede po kayu mag message sa aming page sa inyo pong ipapadala via gcash pra po maisama namin kayu sa prayers na lalo pa po kayu pagpalain ni LordππΌ
Ibabalik po ng Lord ng siksik, liglig at umaapaw pa ang tulong na maiaabot po ninyo pra sa Bone Marrow Biopsy ng aming Tatay
Maraming salamat at nawa'y pagpalain kayo ng ating Diyos na Buhay