28/02/2026
Differentiation of profile & page
Facebook TIP SERIES
TIP #8: MALINAW NA PAGPAPALIWANAG SA PAGGAMIT NG FACEBOOK PERSONAL PROFILE AT PAGE
- PERSONAL PROFILE
- Mga limitasyon sa dami.
- Mga kaibigan: Limitado sa 5,000 lamang
- Mga followers: WALANG LIMIT (kapag naka-enable ang professional mode)
- Mga taong pwede mong sundan (following): Limitado sa 5,000 accounts (kabilang na ang mga kaibigan at pahina). Kapag umabot na dito, hindi na makakapagdagdag ng bago. Para sa mga verified na personal account, maaaring tumaas ang limit hanggang 10,000 accounts.
- Mga katangian: Para sa personal na koneksyon sa pamilya at kaibigan, o para sa personal brand/content creation. Maaaring mag-monetize kapag naka-professional mode โ kabilang dito ang pag-promote ng affiliate links.
MAHALAGANG PAALALA: Dapat may malinaw na disclosure (tulad ng "Bilang affiliate, makakakuha ako ng komisyon sa mga biling gagawin gamit ang link na ito") at dapat na nakatuon sa content creation โ hindi puro affiliate links ang ipo-post araw-araw. Kailangang magbigay ng bahagi tulad ng mga tutorial, vlog, o mga tip na makakatulong sa mga followers. Bukod pa rito, hindi pa rin ito pwede gamitin para sa komersyal na operasyon ng negosyo. Ikaw LANG ANG MAAARING mag-manage nito (hindi pwede magdagdag ng admin). Maaari ring sumali sa mga grupo na hindi pweding pasukin ng Page.
- PAGE
- Mga limitasyon sa dami:
- Mga followers: WALANG LIMIT
- Mga taong pwede mong sundin (following): WALANG tiyak na pangkalahatang limit (kinokontrol ng Facebook para sa anti-spam). Gayunpaman, ang isang personal account na nagma-manage ng Page ay limitado pa rin sa 5,000 na na-like na Page.
- Mga kaibigan: HINDI pwede magkaroon ng "friends" โ sumusunod lamang ang mga tao dito
- Mga katangian: Para sa negosyo, artista, o organisasyon. Maaaring mag-monetize (kabilang na ang ads, affiliate marketing, at iba pa) at pwede kang magdagdag ng MARAMING admin. May access sa Meta Business Suite at Ads Manager para sa mas mahusay na pamamahala. Labag sa Terms of Service ang gamitin ang personal profile para sa komersyal na operasyon ng negosyo.
ใ