30/12/2020
"Sisilay ang pag-asa kung mayroong lakas ng loob upang harapin ito at angkinin na parang ito'y ganang atin."
Mga ka-MDP!
Araw ngayon ng ating isang magiting na bayani, na siyang nagsakripisyo ng buhay upang maging daan sa paglaya at paglaban ng Pilipinas sa mga mananakop.
Ating alalahanin ang mga ambag na nagawa ng isang Jose Rizal sa ating bayan. Nawa'y manatili sa ating puso't isipan ang kanyang mga aral.
Sa kanyang ika-isang daan at dalawampu't apat na taong pagkamatay, buhayin natin ang diwa ng pagkakaisa laban sa mga krisis na tumatalo sa ating pag-asa.